Nakatanggap ng matinding skill revamp si Franco sa Mobile Legends: Bang Bang patch 1.6.42, at maraming players ang nagiliw subukan ang tank hero na ito sa kanilang ranked games.

Ngunit, kasalukuyang dinisable siya ng Moonton, at inanunsyo na hindi na siya malalaro nang pansamantala. 

So ano ang nangyari sa Frozen Warrior na ito, at bakit hindi siya malaro sa patch 1.6.42?

Ang totoong rason kung bakit ‘disabled’ si Franco sa simula ng Mobile Legends patch 1.6.42

MLBB Franco bug patch 1642
Screenshot ng ONE Esports Indonesia

Hindi tinukoy ng Moonton ang rason kung bakit na-disable si Franco, ngunit napansin ng mga players ang isang halatang bug sa kaniyang unang skill, ang Iron Hook, at kung paano ito gumagana kasabay ng purple buff. 

Base sa mga maraming videos na pinost online, hindi makakagalaw ang purple buff monster kung gagamit ng Iron Hook si Franco sa likod ng wall kung saan nakapwesto ang monster na ito.

Kadalasang bumabalik ang mga monsters sa kanilang orihinal na posisyon kapag nakaalis ito sa kaniyang radius, at magkakaroon ito ng health reset. Ngunit dahil sa bug na sinasabi nila, hindi na makabalik ang purple buff at automatic na babalik ang kaniyang health kapag inatake ito, at dahil dito, mahirap itong patayin sa umpisa hanggang sa gitna ng laro.

Ang anunsyo ng Moonton tungkol sa Franco bug

Moonton MLBB Franco bug announcement
Screenshot ni ONE Esports Indonesia

Sa mabuting palad, mabilisang nakita ng Moonton ang problema at agad-agad na-ban ang hero na ito.

Nagpadala din sila ng mail sa lahat ng players, kung saan ipinaliwanag nila ang sitwasyon para sa mga hindi nakakaalam tungkol sa bug.

“We expect to fix this issue and make the hero available once again after the next patch update,” sabi nila. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa pinakabagong balita, updates, gabay, at iba pa tungkol sa Mobile Legends: Bang Bang.