Ang Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) ang pinakasikat na MOBA game sa Indonesia. Popular din ang larong ito ng Moonton sa buong mundo at sa katunayan ay nai-download na ng 100 million users.

Kamakailan lang ay nakamit ng Mobile Legends ang isa na namang malupit na achievement–ang makakuha ng 10 milyon followers sa Instagram account ng MLBB Indonesia.

Sa Instagram account ng MLBB ID nakakakuha ang Indonesian fans ng iba’t-ibang impormasyon mula sa mahahalagang balita tungkol sa in-game events hanggang sa professional scene.

Matapos makatanggap ng 10 milyon followers, nag-post ang MLBB ID Instagram ng detalye patungkol sa isang giveaway. Sinabi nito sa post na magbibigay sila ng free MLBB skins bilang pagdiriwang ng panibagong tagumpay na ito.


Paano makakuha ng free MLBB skins sa giveaway ng MLBB ID

Credit: Moonton

Base sa post tungkol sa giveaway, madali lang makakuha ng free MLBB skins. Narito ang steps:

  1. I-follow ang @realmobilelegendsid sa Instagram sabay i-like at i-share ang post patungkol sa giveaway bilang selebrasyon sa pagkakaroon ng 10 million followers.
  2. Mag-mention ng tatlong friends mo sa comment section, ilagay ang ID at server maging ang dalawang skin name na nais mong makuha sa ilalim ng Epic (maliban sa Limited Epic at Collectors) at Special categories.

Ano pang hinihintay mo? Gawin na ang mga steps na ito para makakuha ng free MLBB skins!

Para sa MLBB news, guides at highlights, maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Ito’y pagsasalin ng artikulo ni Alfa Rizki ng ONE Esports Indonesia.