Malaking parte sa mga Multiplayer Online Battle Arena (MOBA) games tulad ng Mobile Legends: Bang Bang ang mga jungle creeps. Kabilang sa mga nabanggit na units na ito ang espesyal na creeps na nagbibigay ng special buff effects kapag napagtagumpayang paslangin ng hero.

Sa dahilang ito kaya tinawag silang elite creeps, o sa bernakular ng mga miron ay buffs sa MLBB.

Gaano kahalaga ang Buffs sa MLBB?

Screenshot ni Calvin Trilles / ONE Esports PH

Malaki ang timbang ng pagkuha ng jungler sa mga special creeps na ito. Una, ang mga special buffs na naibibigay nito sa jungler ang nagbibigay daan para sa pagkuha pa ng iba pang objectives tulad ng pagbasag ng mga tore.

Gayundin, nagbibigay din ito ng tiyansang makaselyo ng mga early kills para mabigyan ng advantage ang mga sidelaners.


Iba’t-ibang uri ng Buffs sa MLBB at mga epekto nito

Sanctuary Lord / Lord

Screenshot ni Calvin Trilles / ONE Esports PH

Ang Sanctuary Lord o Lord ay ang pinakamalakas sa mga buffs sa MLBB. Makunat ang dambuhalang creep, at makati ang bawat hampas na kayang humagip ng multiple heroes. Lumalabas ito sa ika-9 minuto ng laro at may refresh time na 4 minuto.

Kung mapagtatagumpayang mapatay ay malaki ang epekto ng Lord sa pag-push ng kupunan papunta sa enemy base. Bukod sa sasamahan ang team ng Lord sa lane at gold bonus kapag napaslang, may buff din ang presensiya niya sa mga minions na nagpapakunat at nagpapataas ng kanilang damage.

Pagdako ng 12-minuto, nagbabago ang malaking creep papuntang Luminous Lord na mas makunat at mas makati ang damage. May kakayahan din ang Luminous bersyon na ito na mag-charge sa unang tore na makikita nito.

Cryoturtle / Turtle Buff

Screenshot ni Calvin Trilles / ONE Esports PH

Isang objective na pinagtatalunan ng mga kupunan sa MLBB ang pagkuha ng Turtle. Ano ba ang turtle at bakit isa ito sa pinakakritikal na buffs sa MLBB?

Ang opisyal na tawag sa jungle creep na ito ay Cryoturtle ngunit mas kilala ito sa Pinas bilang Turtle o Turtle Buff. Malaki ang epekto nito sa kupunang makakaselyo dito dahil sa karagdagang gold at experience na ibibigay nito sa bawat heroes ng team.

Kasama nito, ang hero na makakakitil sa Turtle ang makakakuha ng Turtle Buff na may kasamang shield at extra na physical attack.


Orange Buff / Red Buff

Screenshot ni Calvin Trilles / ONE Esports PH

Madalas mang tawagin bilang “Red Buff” o “Orange Buff” ng mga Pinoy MLBB fans, ang opisyal na tawag sa creep na ito ay “Fiend”.

Nakaposisyon ang fiend malapit sa bottom lane ng mapa, at malaki ang epekto nito sa damage output ng jungler ng kupunan. True damage at slow effect ang bigay nito bawat basic attack ng jungler kasama pa ng additional HP.

Kaya naman malaki ang ambag nito lalung-lalo na sa attack damage junglers. Unang lumalabas ito pagdako ng 25 segundo ng laro habang nag-rerefresh naman kada dalawang minuto.

Purple Buff / Blue Buff

Screenshot ni Calvin Trilles / ONE Esports PH

Bernakular din ang tawag sa Serpent creep na nakaposisyon malapit sa midlane. Mas kilala ang jungle monster sa tawag na “Purple Buff” o “Blue Buff” sa MLBB eksena sa Pinas.

Nagbibigay ang Serpent ng cooldown reduction kasabay pa ng mana o energy reduction kaya naman kritikal ito para sa mga mage junglers at mana at skill-dependent junglers.

Makikitang priority ito ng mga junglers tulad ng Lancelot, Ling, Fanny at marami pang iba. Gaya ng red buff, lumalabas din ito sa ika-25 segundo ng laro at lumilitaw ulit dalawang minuto matapos ito mapatay.


Crab / Gold Crab

Screenshot ni Calvin Trilles / ONE Esports PH

Gaya ng mga katukayo ng laro, labanan din ng ekonomiya ang Mobile Legends. Kaya naman importante ang mahusay na pagkuha ng mga jungle creeps at minions para makalamang sa laro.

Isa sa mga high-impact ngunit malimit na nalilimutang buffs sa MLBB ang Crab o mas kilala bilang Gold Crab. Nakapuwesto ang mga Gold crabs sa magkabilang panig ng mapa.

Unang lumalabas ang baby gold crab sa ika-45 segundo ng laro. Kung hindi makukuha ito, magiging regular gold crab na ito sa ika-90 segundo ng laro. May refresh time ang baby crab na 15 segundo habang may 90 segundo refresh time naman ang malaking gold crab.

Pag nakuha ng isang hero ang baby gold crab, makakakuha ng extra 30 extra gold ang hero sa loob ng 9 segundo. Kapag naman nakuha ang gold crab, makakakuha ng kabuuang 100 extra gold ang hero sa loob ng 30 segundo.

Lithowanderer / Repolyo / Litho

Screenshot ni Calvin Trilles / ONE Esports PH

Maraming tawag ang mga Pinoy fans sa malinggit na creep na ito na natatagpuan malapit sa middle lane. Maliit man kung tignan, isa ito sa mga pinakamalulupit na buffs sa MLBB.

Malaki ang impact ng Lithowanderer lalo na sa rotation ng jungler at supports sa mapa.

Kung tawagin ay Litho o repolyo (para sa iba), binibigyan ng Walkie Grass buff ang kung sino mang makakapatay sa jungle creep na ito kung saan may extra na 15% movement speed ang hero habang naglalakad sa river.

Makakatanggap din ng speed boost ang mga kakamping malapit sa hero na malaki ang epekto kapag nagtatangkang bumisita sa sidelanes. Kasama nito, magkakaroon din ng vision ang team sa lugar kung saan napatay ang repolyo.


Antabayanan ang mga gabay tulad nito sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Official Facebook page ng ONE Esports Philippines.