Ang Mobile Legends: Bang Bang community tournaments na organisado ng ONE Esports ay nagsisimula na. Kung hindi ka pa nakakasali, ito na ang pagkakataon mong manalo ng MLBB diamonds!

Para sa susunod na buwan, maglulunsad din kami ng bagong contest para sa mga players sa Indonesia at Philippines na tinatawag na “Gather Your Squad”, kung saan mananalo ng 1,000 bonus diamonds ang magwawagi.

Ang contest ay live na at magpapatuloy hanggang 31 August.

Paano sumali sa “Gather Your Squad” ONE Esports MLBB Community Tournaments contest

MLBB Natan Karina Paquito PopolAndKupa Phoveus
Credit: Moonton

Para makasali, kailangan mo lang mag-refer ng isang kaibigan na hindi pa nakakasali sa ONE Esports tournament. Sa bawat successful referral ay makakakuha ka ng one point.

Ang mga bagong players na nai-refer sa Gather Your Squad ay maaari lamang gumamit ng isang referral code para makasali.

Ang player na may pinakamaraming referral points sa buong leaderboard ng parehong rehiyon (Philippines at Indonesia) sa pagtatapos ng contest ang makakatanggap ng 1,000 MLBB diamonds.

Ang Gather Your Squad ay tatakbo mula 24 July hanggang 31 August, kaya’t ano pang hinihintay mo? Yayain ang mga kaibigan, mag-ipon ng points, lumaban sa ONE Esports Community Tournaments at baka ikaw na ang susunod na mananalo.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ONE Esports MLBB Community Tournaments, i-click dito.