Geek Fam ID sa M4 World Championship? Kahit sila yata mismo ay hindi naniniwalang magagawa nila ‘to lalo na’t sa MPL Indonesia pa lang ay hirap na sila.

Mula pa noong MPL ID Season 4 ay hindi nakapasok ang Geek Fam ID sa playoffs. At isa sa mga nakikitang pinanggagalingan ng kanilang mga problema ay ang kanilang mentalidad.

Hindi gaanong nagbago ang kanilang roster mula noong Season 4 at hindi pa rin sila kumukuha ng big player.


May malaking sorpresa si Donkey para sa Geek Fam ID kung makakapasok sila sa M4

Credit: Instagram

Kumpirmado nang hindi naka-qualify ang Geek Fam ID sa MPL ID Season 9 playoffs. Kailangan na nilang maghanda para sa susunod na season at crucial ito dahil dito kukunin ang makakasali sa M4 World Championship.

Kung ang pagpasok nila sa MPL ID playoffs ay mahirap nang isipin, paano pa kaya ang pag-qualify sa M4 sa pamamagitan ng pagkuha ng grand final slot sa Season 10?

Pero kung magagawa nila ito, may pangakong regalo si GPX boss at M1 world champion mula sa EVOS Legends na si Yurino “Donkey” Putra Angkawidjaja kay Geek Fam ID coach Kevin “Kyosh” Tirto kung madadala niya ang kanyang koponan sa M4.

Si Kyosh ay malapit na kaibigan ng GPX officials na sila Donkey at Eko “Oura” Julianto. At sa pagresponde sa video ni Xinnn kung saan sinabi niyang ibebenta ng Geek Fam ID ang MPL slot nito, dinipensahan ng dalawa si Kyosh at may nabanggit pa nga si Donkey.

“Itu tidak benar ya guys ya. Kalau masuk M4 saya kasih Anda Rp100 juta Kyosh. Untuk lo pribadi. Geek Fam ID lolos M4, saya berikan Rp100 juta (Hindi totoo ‘yun guys. Kapag nakapasok kayo Kyosh sa M4, bibigyan ko kayo ng Rp 100 million),” wika ni Donkey.

https://www.tiktok.com/@lyongula/video/7088083417186848027?referer_url=https%3A%2F%2Fwww.oneesports.id%2F&referer_video_id=7088083417186848027&refer=embed

Ito’y pagsasalin ng artikulo ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports Indonesia.