Sumabak sa kanilang huling laban ang Geek Fam ID para sa regular season ng MPL ID Season 10 upang harapin ang Rebellion Zion.

Bagama’t wala nang epekto ang resulta ng laban sa kanilang ranking, ibinigay pa rin ng Geek Fam ang lahat nang kanilang makakaya.

Para sa kaalaman ng lahat, kumpirmado nang hindi na maaaring magpatuloy sa kanilang paglalakbay patungo sa playoffs ang Geek Fam ID. Ngunit determinado silang tapusin ang kanilang sinimulang laban nang taas-noo.

Geek Fam ID kinumpirmang handa na sila para sa susunod na MPL ID

Geek Fam ID vs RRQ Hoshi
Source: ONE Esports

Malinaw ang hangarin ng Rebellion Zion na paabution sa late game ang laban nang piliin nila sina Esmeralda, Claude, at Faramis. Sa kabilang dako naman, hindi rin nagpabaya ang Geek Fam ID, na kumuha ng mga early heroes tulad ng Irithel at Paquito.

Marami sa mga fans ng Geek Fam ang nag-aalala dahil sa tila amtanmlay sila sa simula ng game. Ngunit naging pasensyoso si Baloyskie at naghintay ng momentum na kanilang kelangan. Nang dumating ang pagkakataon na hinihintay niya, walang kaabog-abog na binaligtad ng Geek Fam ang sitwasyon upang tapusin ang unang game at kunin ang panalo sa ika-11 na minute.

Dehado nang isang laban, inilabas ng Rebellion Zion ang kanilang main squad at inilabas si Vall upang ipalit si Widjanarko. Gamit ang kanyang signature hero na Mathilda, agad-agad niyang sinuklian ang tiwala ng kanyang coach at ipinanalo ang game. Ang kanyang mid lane partner na si Swaylow ay may nakakabilib din na performance. Gamit si Lunox, nakakuha siya ng 7/2/9 KDA at tinanghal na MVP.

Swaylow vs Geek Fam ID
Credit: MPL ID

Bilang sagot sa Mathilda ni Widjanarko, bumuo ang Geek Fam ID ng draft na kayang makipagsabayan dito. Gamit ang Uranus at Grock sa harapan, suportado ang attacking power ng Geek Fam ng dalawang maliliksing heroes, sina Karina at Claude.

Solido ang depensa ng Geek Fam ID sa pagkakataong ito. Kayang tangkehin nina Uranus at Grock ang pagsalakay ng Rebellion na suportado ng kanilang Faramis.

Sa draft pa lang ay panalo na ang Geek Fam sa deciding game, kung kaya’t nagawa nilang tapusin ang kanilang huling game nang nakangiti.

Sa susunod na dalawang linggo, ang MPL ID S10 ay sasailalim sa paghahanda para sa playoff matches na magsisimula sa Wednesday, October 19. Kelangan nating maghintay para sa pagbaablik ng kakaibang aksyon mula sa mga pinakamahuhusay na MLBB players sa Indonesia.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.