Fan ka ba ng dark side? Nangarap ka na ba na maging isang super villain sa Mobile Legends: Bang Bang? Kung oo, para sa’yo ang pinakabagong super villain skin na General Void Alpha.

Ang skin na ito ay parte sa pinakabagong labas na skin line na kinakalaban ang mga heroes ng superhero skin line. Ang tunggalian na ito ay magiging pinakamasayang pangyagyari sa Land of Dawn.

Preview ng General Void Alpha skin 

General Void Alpha
Credit: Moonton

Ibinunyag ng opisyal na skin trailer sa YouTube ang mech-inspired skin na mukhang nanggaling sa Gundam anime series.

Kompleto si Alpha sa kaniyang technologically-advanced na armor na mayroong dark violet na energy. Mayroon ding isang mahabang pink hair si Alpha na kita sa ilalim ng kaniyang helmet.

Bukod pa diyan, ang kaniyang weapon ay mayroong glowing blade sa dulo, kung saan mayroong mga metal-like edges sa paligid ng blade.

Kung naghahanap ka ng talagang nakakatakot na skin, para sa’yo talaga ang General Void Alpha.

General Void Alpha skills 

Kaparehas ng mga superhero skins, ang skills ni Alpha ay mayroong comic book-like na epekto. Ang mga skills tulad ng Rotary Impact, Force Swing, at Alpha Charge ay nagdudulot ng cartoonish effects na may kasamang text tulad sa mga old school comic strips.

Dinagdag din ang special elimination, spawn, at recall effects. Oras na para yakapin ang dark side ng Land of Dawn.

Magiging available ang General Void Alpha sa MLBB game client.