Napaisip ka na kung anong pakiramdam na maglaro ng isang game ng Mobile Legends: Bang Bang nang isang oras?
Naranasan ito ng GPX Ladies matapos nila talunin ang Alter Ego Nyx sa isang intense na 56-minute match sa Wonder Indonesia Srikandi Championship (WISC).
Dominado ng GPX Ladies ang unang match laban sa Alter Ego Nyx sa WISC
Binuksan ng GPX Ladies ang serye sa kanilang panalo dahil sa Yu Zhong ni Elle na nakakuha ng perpektong 8/0/4 KDA.
Naging malaki din ang ambag ni Chincaaw sa laro gamit si Kimmy, matapos niyang ma-shut down ang mga myembro ng Alter Ego Nyx dahil sa kaniyang agresibo at expert na positioning sa mga team fights.
Ang intense na pangalawang laro sa pagitan ng GPX Ladies at Alter Nyx Ego ay umabot ng halos isang oras

Pinatunayan ng Alter Ego Nyx na sila ay mababangis na kalaban sa pangalawang match. Ngunit pinakita ng GPX na mas malakas sila matapos nila ma-defend ang kanilang base hanggang sa 56-minute mark.
Ito ang isa sa pinakamatagal na professional game sa Mobile Legends. Tinalo nito ang match record sa pagitan ng ONIC PH at SGD Omega sa MPL PH Season 5 na inabot ng 54 minutes.
Sa huli, nilampaso ng GPX Ladies ang apat na myembro ng Alter Ego Nyx sa labas ng mapa. Dahil isang myembro ng Alter Ego nalang ang natitira, lumusob na ang GPX sa midlane para makuha ang 2-0 victory.