Isa sa mga opisyal ng Axe Gang (GPX) na si Yurino “Donkey” Putra ang nagsabing nawalan na ng tyansa ang team na lumaban sa paparating na MPL ID S10. Ito ay sa kadahilanang masyado nang mataas ang presyo ng MLBB league franchise sa bansang Indonesia.
Sa pre-season ng MPL ID S10, may ilang mga indikasyon na humantong sa pagsali ng Axe Gang sa pinakamalaking MLBB competition sa Indonesia. Sa katunayan, ang lahat nang ito ay sapat upang sabihing si Watt at ang kanyang mga kasama ang magiging pinakabagong team sa MPL ID.

Sa mga indikasyon na ito, isa sa mga nagpapatibay sa haka-haka ay ang EVOS Legends coach na si Zeys, na naging bahagi ng isang pagtalakay sa Axe gang nang magsagawa ng isang analysis sa lakas ng bawat koponan sa MPL ID S10.
Dagdag pa dito, nariyahn din ang pagiging malapit ni Donkey sa Moonton, tulad ng kanyang pagiging “impromptu reporter” noong MSC 2022 at ilang mga photos sa kanyang Instagram story noong July 2022 na nagpapakita sa kanyang pagbisita sa representative office ng Moonton sa Indonesia.
GPX nagkansela ng pagsali sa MPL ID S10 ayon kay Donkey

Gayunpaman, ang lahat nang indikasyon na ito, bagama’t hindi direkta, ay pinabulaanan ng isa sa mga pahayag ni Donkey tungkol sa tyansa ng kanyang team na mapasali sa MPL ID S10 sa kanyang live stream sa kanyang YouTube channel noong Miyerkules, July 20.
Habang sinasagot ang mga tanong ng kanyang mga audience sa live stream, sinabi ng dating EVOS Legends roamer na ang MLBB division ng Axe Gang ay hindi makakasali sa MPL ID dahil sa problema sa presyo ng slot na lubos na nagtaas at naging mabigat para sa kanila.
“I don’t think so (playing in MPL ID) guys. The price (slot) goes up. Expensive. (USD) 2 million,” sabi ni Donkey sa kanyang live stream.
Kung totoo ang pahayag na ito ni Donkey, nangangahulugan na ang isang bagong team na gustong sumali sa MPL Indonesia ay kinakailangang magkaroon ng hindi bababa sa halos IDR 30 bilyon na pondo para makabili ng slot.
Sa kabilang banda, isa rin itong patunay na promising talaga ang MPL Indonesia league franchise. Sa tatlong taon mula nang maging franchise league ang MPL ID noong Season 4, dumoble na ang investment na nagastos ng lahat nang teams.
Tungkol naman sa oportunidad na makasali ang Axe Gang sa MPL ID S10, kung totoo man ang mga sinabi ni Donkey, ay siguradong masamang balita para sa mga MLBB fans, lalo na sa mga umaasang magkakaroon ng mga bagong teams sa event.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.