Naniniwala si John Paul “H2wo” Salonga na malaki ang epekto ng pagbabalik ni Renejay “Renejay” Barcarse sa Nexplay EVOS na mainit ngayon sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL) Philippines Season 8.

Mula noong bumalik si Renejay, nakakuha ang NXP EVOS ng pangalawang sunod na panalo kontra sa RSG PH, 2-0, Biyernes nang gabi para mapaangat ang kanilang kartada sa 2-3.

“‘Yung pagpasok ni Renejay sa lineup, ‘yun ang nagpabago ng momentum namin,” sabi ni H2wo sa post-match interview.

Matatandaan na noong nakaraang Linggo laban sa defending MSC champion na Smart Omega (dating Execration roster), nagsanib pwersa si Renejay sa kanyang Paquito at H2wo sa kanyang Hayabusa para pangunahan ang winning segway push sa Game 3 na nagbigay ng unang panalo sa NXP EVOS.

Steady rin ang naging performance ng charismatic na gold laner sa kanyang Lunox at Lylia sa series kontra sa RSG.

Ayon kay H2wo, mas naging swabe ang in-game communication ng NXP EVOS noong bumalik si Renejay, na hindi naglaro sa unang linggo dahil sa ilang problema sa koponan.

“Kulang kasi kami sa comms nung Week 1, nung si Hesa (Jhonwin Vergara) naglaro. Parang nagkukulang talaga kami sa comms noon, dami naming errors and parang si Hesa lang gumagalaw sa’min. ‘Pag si Renejay kasi, siya ‘yung nagko-comms sa’min ‘tsaka sa’kin talaga,” sabi ng star jungler.

Susubukan nila H2wo, Renejay at ng buong NXP EVOS na makuha ang kanilang ikatlong sunod na panalo laban sa Echo bukas, 6 p.m.

Maari niyong makita ang buong schedule at mga resulta sa MPL Philippines Season 8 mula sa ONE Esports Philippines.