Lalaraga ang bapor ng Blacklist International sa MPL Philippines Season 11 nang wala ang kanilang primerang midlaner na si Salic “Hadji” Imam at head coach na si Kristoffer “BON CHAN” Ricaplaza, magkahiwalay na pahayag ng organisasyon sa kanilang social media pages.

Dudugtungan ng balita ukol kina Hadji at BON CHAN ang umuugong na ispekulasyon tungkol sa direksyong tatahakin ng defending champions sa kanilang roster para sa magbubukas na season.

Credit: Moonton

Bagamat magpapahinga ngayon, sinigurado naman ng koponan ng Tier One na magbabalik ang dalawa sa kanilang kampanya sa Season 12.

“It won’t be long until we see him back in the Land of Dawn. The KDA Machine will be back in MPL Season 12,” sulat ng org patungkol kay Hadji.

Sulat naman ng Blacklist ukol kay BON CHAN sa hiwalay na post, “This is not the last time we will see Coach Bon Chan in BLCK colors. Together, we’ll #BreakTheCode again soon”

Liban sa dalawa, nauna nang nag-anunsyo ang org na magpapahinga na muna mula sa kumpetisyon ang analyst/player nilang si Mark “Eson” Gerardo, gayundin ang kanilang general manager na si Elrasec “Radacars” Ocampo.

Sa kasalukuyan, natatangi lamang ang V33Wise duo ang kumpirmadong sasabak sa MPL PH Season 11.


Lineup ng Blacklist para sa MPL PH Season 11

Credit: Moonton
  • Jonmar “OhMyV33NUS” Villaluna
  • Danerie “Wise” Del Rosario

Manatiling nakatutok sa roster updates ng MPL PH teams sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: H2wo pasok bilang jungler ng RSG Slate PH sa MPL PH S11