Tapos na ang mga bulong-bulungan. Si Jeniel “Haze” Bata-anon ay isa ng miyembro ng Nexplay EVOS.
Kumpirmado ito sa inilabas na pahayag ng sikat na kupunan sa kanilang official Facebook page kung saan sinalubong nila ang beterano ng maligayang pagtanggap.
Sabik ang Nexplay EVOS na makasama ang dekoradong pro na kabilang sa mala-alamat na Aether Main team na kampyon ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League – Philippines Season 1.

Bukod dito, susi din si Haze para sa kampanya ng Pilipinas sa Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2018 kung saan naiuwi din ng Aether ang kampoyanto.
Nagsimula ang kuro-kuro ng posibleng paglipat ng bantog na player ng mamataan ng fans na kasama ang beterano sa ranked game streams ng iba pang kaanib ng Nexplay.
Sa kabilang banda, ang pagsanib ni Haze sa Nexplay ay nagsilbi ding pagbabalik niya sa ilalim ng bandera ng Aether kung saan nasa kabisera ang popular na coach at streamer na si Setsuna “Ako si Dogie” Ignacio.
BASAHIN: Nexplay, dadalhin ang bandera ng EVOS sa darating na MPL-PH Season 8