Matapos ilatag ang MLBB Patch 1.6.66, inasahan na ang Aura Fire ang koponan na mabibigyan ng kalamangan dahil sa pag-usbong ng tank jungler meta. Gayunpaman, inamin ng team jungler na si High na hindi niya personal na nais ang paggamit nito.
Ito ay galing mismo sa beteranong core noong tinuldukan nila ang kampanya ng Bigetron Alpha, 3-2 sa play-ins ng MPL ID S9 playoff noong nakaraan.

Sa pagkakatong iyon ay nagkaroon ng tiyansa ang ONE Esports na makapanayam si Aura High tungkol sa kaniyang heroes. Aniya, “I myself don’t like the META. I can’t give a reason because later (other teams) will find out.” Gayunpman, sinabi rin niya na nais niya na hangga’t maaari ay gagawin nila lahat para maka-adapt sa meta.
Malaking sorpresa ito dahil isa sa pioneer ng tank jungler meta ang core player ng Aura, at hindi lamang sa season niya ito isinalang.
Mga tank jungler meta heroes na ginamit n ani Aura High
Sa kanilang kampanya sa MPL ID S9, marami ng tank heroes ang ginamit ng core player bilang jungler. Bukod sa Baxia na tank jungler meta hero na naging popular sa komposisyon ng mga teams, nagamit na din niya ang Hylos, Uranus, Khufra at Esmeralda sa naturang position.
Karugtong nito, nalaro na din ni High ang mga heroes tulad ng Karina at Valentina na may tank builds.

Isa sa mga rason kung bakit hirap ang mga teams kontra sa Aura ay dahil sa flexible hero picks ng jungler dahil kaya din niyang isalang ang kaniyang Aulus, Ling, Popol and Kupa, Clint, Helcurt, Lancelot at Kimmy bilang core.
Hindi naman maittanggi na isa si High sa mga standouts ng MPL ID S9. Sa katunayan ay binigyan siya ng spot sa First Team ng liga bilang jungler nito.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa pinakahuling balita tungkol sa MPL.