Pinatunayan ni 3MarTzy ng Work Auster Force na isa siya sa pinakamahuhusay na Uranus players ng season matapos nyang makagawa ng recall bait na nagresulta sa isang wipeout at nagbigay sa kanila ng series win laban sa napakalakas na AURA Philippines.

Salamat kay 3MarTzy, nakuha ng Work Auster Force ang 2-0 na panalo sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League PH Season 7.

Sa 16-minute mark ng game 2, mag-isa si 3MarTzy sa top lane, katapat ang tatlong members ng Aura malapit sa ikalawang turret.

Sa halip na umatras, nag-spam si 3MarTzy ng recall, dahilan upang mapilitan ang AURA na mag-initiate ng 3v1.

Subalit walang saysay ang pag-atake ng AURA. Hindi sapat ang pinagsama-samang lakas ng Baxia ni Killuash, Chou ni Jaypee, Granger ni Lord Hadess, at Kagura ni Greed.

Dahil hinabol sya ng apat na myembro ng AURA PH, nabigyan ni 3MarTzy ng sapat na oras ang kanyang teammates para magsama-sama at rumesponde papunta sa kanya. Nagawa nilang mapatay ang apat na heroes ng AURA.

At dahil isa na lang ang natira sa hanay ng AURA, dali-daling sinugod ng Work Auster Force ang mid lane para wasakin ang huling turret at ang base, at tapusin ang series na may score na 2-0.

https://youtu.be/EWjF1h5uKp0

Nangunguna na sa Group A ang Work Auster Force na may record na 5-3 at 16 points. Bumaba naman sa ikalawang pwesto ang AURA PH na may record na 5-2 at 14 points.