Kamakailan lang ay inanunsyo ng The Nationals na magkakaroon ng Challenger Series para sa Season 3 ng Mobile Legends: Bang Bang Conference.

Ang Challenger Series ang unang hakbang para makasali sa Draft Series ng The Nationals MLBB Conference.

MLBB TheNationals PH Season 1 BrenEpro
Credit: The Nationals

Matatandaan na una itong ginawa ng The Nationals para sa kanilang Tekken 7 Conference, kung saan nagbigay sila ng pagkakataon sa mga aspiring esports athlete para makapaglaro at i-represent ang mga franchise teams ng liga. Ito rin ang kauna-unahang Draft Series sa larangan ng esports sa Pilipinas.

Isa itong pagkakataon na hindi dapat palampasin ng mga nangangarap na maging professional esports athlete.

Magsisimula ang registration sa May 14, 2021.

Para sa iba pang detalye at updates, i-follow ang The Nationals sa Facebook, Twitter, Instagram, at YouTube.