Sa wakas ay inanunsyo na ang 2021 SEA Games roster ng Indonesia para sa MLBB. Ang anunsyong ito ay naganap noong Miyerkules, March 9. Nasagot na rin sa wakas ang katanungan ng mga fans kung sino ang mga players na mapipili para sa national team.

Mabusisi ang naging pagpili sa pitong players na kasali sa national team roster para sa 2021 SEA Games. Nagkaroon ng 24 players na pinagpilian para sa iba’t-ibang posisyon.

Indonesian MLBB National Team selection
Credit: PB ESI

Nagmula ang kamramihan sa mga players ONIC Esports at RRQ Hoshi bilang mga kinatawan ng dalawa sa pinakamahusay na teams sa MPL ID Season 8. Ilan din sa mga kasama sa pinagpilian ay ang mga PON champions at mga nag-qualify na champions.

Ang roster ng 2021 SEA Games Indonesian MLBB National Team

Matapos umatras ni REKT na maging miyembro ng national team dahil sa kundisyon ng kanyang kamay, mas lalong naging mahigpit ang pagpili sa mga natitirang players.

Hanggang sa wakas ay napili na rin ang pitong pangalan na kakatawan sa Indonesian MLBB National Team. Narito ang roster ng 2021 SEA Games national team para sa Mobile Legends.

  • Kiboy (roamer)
  • Luminaire (midlaner)
  • R7 (exp laner)
  • CW (gold laner)
  • Alberttt (jungler)
  • Sanz (jungler)
  • Vynnn (roamer-midlaner)

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.