Tumabi ka na, Demonlord Valir. Mayroong nang mas malakas na God na dumating na susunugin ang mundo sa Mobile Legends: Bang Bang.

Ang Legend skin na Infernal Blaze Valir ay darating na sa Land of Dawn, at makikita dito ang Son of Flames na literal na nasusunog na may kapangyarihan ng spirit dragon sa tabi niya.

Isang silip sa bagong Legend skin na Infernal Blaze Valir 

Infernal Blaze Valir, MLBB skin
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Isang cinematic ang nilabas sa YouTube page ng Mobile Legends: Bang Bang, at pinakita dito ang Son of Flames na kinakalaban ang mga iba’t-ibang demonyo at isang higanteng dragon na may violet energy.

Base sa kaniyang itsura, ang katawan ni Valir ay pinapalibutan ng apoy matapos niyang maging isang literal na Diyos mula sa pagiging isang human pyromancer.

Mas maangas pa ang skin na ito dahil sa kaniyang umaapoy na buhok at kilay na makakapagpakilig sa mga Ghost Rider fans diyan.

Skill effects ng Infernal Blaze Valir

Dahil ito ay isang Legend Skin, isang kompletong revamp ng kaniyang skills pati na rin ang skill logos ang makikita sa Infernal Blaze Valir.

Tumatawag na ng isang red dragon si Valir sa tuwing siya ay mag-cacast ng isang Burst Fireball. Dalawang maliit na dragon naman ang nakapalibot sa affected area kapag inenhance ito. 

Mga pulang alon ng apoy naman ang makikita sa Searing Torrent na pamilyar sa isang imahe ng isang grupo ng mga dragon na lumilipad. Nagiiwan din ng isang violet na bakas ang skill na ito na ginagawang mas nakakasindak ang battlefield.

Mga maliliit na bilog naman ang pumapalibot sa kaniya sa tuwing siya ay mag-cacast ng vengeance Flame.

Tiyak na matatakot ng mga kalaban sa skin na ito, pati na rin ang mga kakampi mo!