Tagumpay si John “Irrad” Abarquez at ang kanyang koponan na RSG Slate Philippines na mapababa ang ECHO papunta sa lower bracket ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 11 (MPL PH S11) playoffs.

Matinding sagupaan ang naganap sa pagitan ng dalawang koponan na umabot sa ikalimang game ng best-of-five series, ngunit sa huli ay nangibabaw ang RSG sa score na 3-2.

Malaking bahagi ng tinamong tagumpay ng RSG sa series na ito ay dahil sa magandang performance na ipinakita ni Irradicator, partikular sa pagkuha ng objectives lalong lalo na Turtle at Lord dance. Hindi ito madaling gawin lalong lalo na’t ang nakatapat niya sa kabilang team ay ang two-time world champion na si Karl “KarlTzy” Nepomuceno.

Irrad nahanapan ng butas si KarlTzy

Irrad MPL PH S11 plaoyoffs press conference
Credit: MPL PH

Sa post-match press conference, hindi matago ang tuwa ni Irrad habang ikinukwento ang kanyang karanasan sa nagdaang laban at ang nagawa niyang pagdomina sa jungle laban kay Karl.

“Kanina, sobrang saya ko,” bungad ng RSG jungler. “Naha-hype ako kasi yung player na yun (Karl) sobrang tinitingala ng mga players.”

“Nung natalo ko siya, sobrang sarap sa feeling,” kwento niya.

Sa pagpapatuloy ng kanyang pahayag, ibinahagi ni Irradicator kung paano niya nagawang higitan ang performance ng jungler ng kabilang koponan.

“Marunong kasi ako mag-aral ng player,” sabi niya. “Si Karl, nakita ko sa kanya is sobrang talino niya maglaro.Nafi-feel ko napakalakas niya mag-shot call, nafi-feel ko napakatalino niyang pumwesto.”

KarlTzy
Credit: MPL Philippines

Ayon kay Irrad, masusi niyang in-oobserba sa laro ni Karlito at nahanapan niya ito ng kahinaan.

“So ako, nakita ko yung butas sa kanya na mahina siya sa mechanics, so sun ko dinaan yung laro.”

Magpapatuloy ang RSG upang harapin ang defending MPL PH champions na Blacklist International sa Upper Bracket Finals ng playoffs ngayong Sabado, May 6, 5:00 p.m., GMT+8.

Mapapanood ang opisyal na Filipino broadcast ng MPL PH S11 sa mga sumusunod na channels at pages:

Para sa iba pang balita tungkol sa esports at MPL, i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.