Kadalasan ay pinapaaral ng magulang ang kanilang mga anak. Pero para sa MLBB streamer-dancer na si Jiji Plays, suporta lamang ng kaniyang mga magulang ang kailangan niya.  

Nagumpisa sa paglalaro ng mobile games ang 14-year-old streamer na si Jhewelry Hershey Dela Cerna dahil naudyok siya ng mga kaibigan niya subukan ito. Napag-desisyonan niyang I-stream ang kaniyang paglalaro dahil nais niyang ipakilala ang sarili niya sa mundo. Ginamit niya ang kaniyang PC na pang-online class para sa pag-stream ng Mobile Legends, at doon na nagsimula ang kaniyang journey sa pagiging isa sa pinakasikat na batang streamers ngayon. 

“Nagsimula po ako dahil lang pang online class ko lang yung PC ko noon, online class lang sya, pang-aral ko lang. Then ayun, sabi ko kay papa, gusto ko mag-stream I-ta-try ko, then inayos niya yung PC ko pang-stream. Then syempre, noong una ma-lag pa then ayun po, nag-stream ako ngayon, 2 years na,” sabi ni Jiji. 

Naging isang source of income ang streaming para suportahan ang pagaaral ni Jiji Plays 

MLBB Jiji Plays
Source: Jiji Plays Facebook page

Dahil sa labis na pagsusuporta ng kaniyang pamilya at viewers sa kaniyang pag-stream, nakayanan na ni Jiji na bayaran ang kaniyang sariling tuition para sa pagaaral niya. Hindi lang ‘yan ang nasusuportahan niya, pati na rin ang mga pangangailangan ng pamilya niya ay natutugunan na rin niya. 

“Tapos yung pag-papagawa ng bahay kasi kailangan po siyang ipagpatuloy hanggang sa matapos and ‘yun din po kasi yung nagbabayad sa tuition ko, so kailangan ko po talaga mag-stream para mabayaran yung tuition ko pagaaral ko. Ayun po and yun mga needs namin, pambayad ng mga groceries, ganoon, kung ano pong mga kailangan,” ani ni Jiji. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa mga paborito mong Pinoy streamers.