Nandito na ang pinakahuling July 2022 MLBB patch. Ito ay sa kabila ng paglabas ng Moonton ng patch 1.6.94 noong nakaraang buwan.
Noong nakaraang patch, maraming pagbabago ang naganap lalo na sa mga malalakas na heroes. Bukod pa dito, merong tatlong heroes ang nakatanggap ng revamp sa pag-asang mas makikita na sila sa ranked at competitive levels.

Gayunpaman, mukhang may ibang mga heroes ang nakatanggap ng hindi maayos na mga nerfs at buffs. Hanggang sa lumabas na ang impromptu patch.
Merong hindi bababa sa pitong heroes ang nakatanggap ng adjustments sa pinakahuling MLBB patch para sa July 2022, kung saan tatlo ang nakatanggap ng malaking nerf dahil sa kanilang pagiging OP nitong nakaraan.
Pinakahuling July 2022 MLBB patch
Julian

Masyado pa ring malakas si Julian sa early hanggang mid game, kaya pinili ng Moonton na bawasan ang damage ng ilan sa kanyang skills sa pinakahuling July 2022 MLBB patch.
Passive – Extra magic lifesteal perhit: 20% -> 15%
Ultimate skill 1 – Base Damage: 100-240 -> 80-220
Ultimate skill 3 – Base initial damage: 300-420 -> 250-370
Terizla

Aminado ang Moonton na hindi nila naisip ang magiging malaking impluwensya ng dagdag na mobility ni Terizla. Naging OP rin siya sa laning at mga team fights.
Passive – Makakakuha ng 1% damage reduction sa kada 2% HP lost (hanggang 35%) -> Makakakuha ng 1% damage reduction sa kada 2.5% HP lost (hanggang 30%)
Skill 2 – Cooldown: 5 segundo -> 9-7 segundo
First two damages: 180-330 + 150% physical attack -> 135-310 + 125% physical attack.
Ang stepping distance ng skill 2 at ultimate ay bahagyang binawasan
Xavier

Binawasan ng Moonton ang crowd control effect at long range burst damage na mas tumataas kapag ginagamit sa mga combos.
Skill 1 – Mas pinapabilis ang takbo ng shot para mas maging swabe ang casting ng skill 1 at 2 combos
Skill 2- Immobilize duration: 1.5 segundo -> 1.2 segundo
Ultimate – Damage: 750 – 1150 + 162% magic power -> 650-1050 + 150% magic power
Nathan

Nahihirapan pa ring lumaban si Natan sa kabila ng natanggap niyang buffs noong nakaraang patch. Dinagdagan ng Moonton ang kanyang lakas sa July 2022 MLBB patch.
Skill 1 – Base Damage: 175-500 -> 225-535
Ultimate – Cooldown: 48-36 segundo -> 42-30 segundo
Vexana

Nagdagdag ang Moonton ng Mobility sa Undead Knight na si Vexana.
Passive – Damage: 170-450 + 40% magic power -> 220-500 + 60% magic power
Skill 1 – Explosion damage: 120-220 + 40% magic power -> 200-300 + 60% magic power
Ultimate – Ang dagdag na damage sa basic attack ng undead knight: 8% ng max HP ng target ay dadagdag sa movement at attack speed
Faramis

Dinagdagan ng Moonton ang mobility at skill damage ni Faramis.
Skill 1 – Cooldown: 20-15 segundo -> 15 segundo (lahat nang levels)
Skill 2 – Initial Damage: 285-410 + 125 Magic Power -> 330-480 + 144 % magic power.
Damage after: 175-250 + 65% magic power -> 200-300 + 72% magic power
Ultimate – Base extra HP: 400-700 -> 900-1100
Ling

Inayos ang issue ng skill 1 cooldown kung saan nakakapag-recall si Ling sa ibabaw ng wall.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.