Baka may bagong meta na paparating sa competitive scene Mobile Legends: Bang Bang.
Ang King Esports, isang nagsisimula pa lamang ngunit talentadong kupunan, ay nagawang pataubin ang MPL ID powerhouse na Alter Ego sa ikatlong season ng Nimo TV Mobile Legends: Bang Bang Arena (NMA) gamit ang makabagong jungle Cyclops pick.
Gaano ba ka-epektibo ang jungle Cyclops ngayon?
Walang adjustments na inilatag sa Cyclops sa patch 1.5.96, ngunit mas naging popular ito dahil sa paglabas ng astig na Yoda Star Wars skin.
Madalas na nakikita ang hero bilang support mage o minsan naman ay sa EXP lane. Kaya naman kataka-taka para sa marami ang jungle Cyclops tirade sa professional scene lalo na kung ikukumpara sa mga meta junglers ngayon.
Unang-una, malaki ang diperensiya sa clear speed ng mga meta junglers tulad nina X.Borg at Harley sa Starsoul Magician. Wala ring abilities na panakas ang hero para makaiwas sa target lock ng kalaban.
Jungle Cyclops ng King Esports kontra sa Alter Ego

Kinuha ng King Esports ang Cyclops bilang counterpick sa Harley ni Celiboy ng Alter Ego. Bukod-tangi ang hero picking na ito sa propesyunal na eksena. Gayunpaman, naging matagumpay ang batang team gamit ang hero strat na ito kung saan malinis ang pagpapakitang ginawa ni K-Dot sa mage hero.
Dominante ang jungler ng King Esports na sinelyo ang halimaw na 13/0/9 KDA kontra sa 3/5/2 KDA ni Celiboy.
Naging sentro ang jungle cyclops sa pagpapatumba sa bantog na pro team ngunit hindi ito magiging posible kung wala ang kombinasyon ng Popol and Kupa, Jawhead, Thamuz at Benedetta.
Tinulungan ng hero picks na ito ang jungle mage na makuha ang 13 kills na mahirap gawin lalo na dahil sa kakulangan ng mobility nito.
Hindi sigurado kung makikita ba muli ang unique hero pick na ito sa parating na MPL season ngunit mas tiyak na magiging kapanapanabik ang mga labanang katatampukan ng jungle cyclops.