Hindi na maitatangging OP ang jungler Carmilla. Matapos ang revamp sa kanyang ultimate skill na Curse of Blood, sobrang lumakas ang hero na ‘to.

Nakakatuwang isipin na hindi agad pumasok sa meta si Carmilla. Sa main event ng Piala Presiden Esports 2022, tanging si Fearless lang ang gumamit ng jungler Carmilla, samantalang meta heroes naman ang ginamit ng ibang players.

MPL ID S10 Aura Fire
Credit: ONE Esports

Hanggang sa wakas ay nasaksihan ng marami ang magandang gameplay ng jungler Carmilla mula kay Jehuda Jordan “High” Sumual, na ginamit ito sa unang game ng Aura Fire laban sa EVOS Esports sa IESF 2022 national selection tournament.

Bilang isang jungler tank user, alam na alam ni High kung paano gamitin ang tank na si Carmilla bilang jungler. Naging malakas sa team fights ang Aura Fire dahil kay Carmilla.



Dahilan kung bakit OP ang jungler Carmilla

Kapansin-pansin ang pagiging OP ng jungler Carmilla sa laban na ito. Ang kanyang unang skill na Crimson Flower ay nagbibigay ng heal kung kaya’t mabisa siyang tank, ang kanyang second skill naman na Bloodbath ay nagpapabilis ng kanyang paggalaw at nagbibigay ng maikling stun sa kalaban, habang ang kanyang ultimate naman ay may malakas na damage at crowd control kung kaya’t masasabing OP talaga ang jungler Carmilla.

Cecilion jungler Carmilla OP
Credit: Moonton

Kung titignan naman ang item build, mapapansin na gumamit si High ng HP-focused tank items tulad ng Cursed Helmet, Guardian Helmet, Dominance Ice, at ang interesanteng paggamit ng hindi masyadong pinapansin ng marami na Queen’s Wings.



Nagawa ni High na gamiting ng mahusay at patunayan sa marami na OP talaga ang jungler Carmilla sa kanyang perfect KDA na 1/0/11 sa unang game. At tulad ng inaasahan, agad na nagpasya ang EVOS na i-ban ang hero sa ikalawa at ikatlong game.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.