Marami na ang nagsisimulang maghanap sa item build ng jungler Martis. Dahil ito sa buff na natanggap ng hero kamakailan.

Mas magagamit na ngayon si Martis, na isang magandang kombinasyon ng crowd control at damage hero. Ang kanyang passive na Ashura’s Wrath ay nagpapasakit ng kanyang damage at tumataas din kasabay ng kanyang level, dagdag pa dito ang kanyang second skill na Mortal Coil na magandang pang-istorbo sa galaw ng laban at kayang tumagos sa mga walls.

God of War Martis jungler Martis build
Credit: Moonton

Sa pagsikat ng jungler tank meta, unti-unti na ring nakikilala ang jungler Martis meta.

Sa unang araw ng MPLI 2022, tatlong beses lumabas ang jungler Martis. Mataas na bilang ito para sa isang hero na hindi man lang naramdaman sa nagdaang MPL season.

Jungler Martis build

Ang kakayahan ng jungler Martis na mag-farm ay sobrang bilis, ito ay dahil sa natatanggap niyang binus physical damage at attack speed mula sa halos lahat nang kanyang skills.

Marami ang nag-iisip na dapat palakasin ang kanyang damage upang mas maraming kalaban ang mapatay. Ganito ang ginawa ng top global Martis sa ranked.

Ngunit sa katunayan, hindi ito kailangan. Isa sa pinakamagandang halimbawa ay ang jungler ng RSG PH na si John Darry “1rrad” Abarquez, na nagpakita kung paano ang tamang paggamit ng hero na ito.



Sa kanilang pagpapatalsik sa Smart Omega 2-0, dalawang beses gumamit ng Martis si 1rrad at nakakuha ng total KDA na 9-0-16. Masakit ang damage, makunat ang depensa, siguro marami ang nag-aakala na damage build ang gamit sa kanya.

Pero ang totoo, ang jungler Martis ni 1rrad ay tinadtad ng depensa. Meron din siyang Demon Slayer jungler emblem para sa mas mabilis na pag-farm.

Dagdag pa rito, ang focus ng build ay nasa dalawang items, ang Cursed Helmet at ang Guardian Helmet upang pakunatin si Martis at mapabilis ang kanyang pag-farm. Bagama’t pwede naman na walang Cursed Helmet, importante na meron pa ring Molten Essence.

RSG PH Perkz Light Nathzz Exort Kousei 1rrad
Credit: RSG PH

At dahil may nakukuha na si Martis na damage bonus mula sa kanyang mga skills, hindi magiging problema ang kawalan ng mga damage items dahil magiging masakit pa rin ang kanyang damage. Narito ang jungler Martis item build.

Jungler Martis build ni 1rrad

  • Tough Boots
  • Molten Essence (Cursed Helmet)
  • Guardian Helmet
  • Blade Armor
  • Dreadnaught Armor (Antique Quirass) / Radiant Armor
  • Twilight Armour

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.