Bihira nating makita si Kadita sa mga ranked game at competitive play sa Mobile Legends: Bang Bang, pero maaaring magbago na ito dahil sa isang manlalaro.

Usap-usapan ngayon ang tank/roaming player ng Aura Fire na si Erico “God1va” sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL ID) Season 8 matapos patunayan sa lahat na si Kadita ay isang viable roamer sa competitive setting.

God1va ng Aura Fire nagpauso ng kakaibang roam playstyle kay Kadita

Kadita
Credit: Moonton

Dalawang beses nang ginamit ni God1va ang kanyang off-meta Kadita ngayong season–una laban sa ONIC Esports at sumunod kontra naman sa Bigetron Alpha–at madaling naipanalo ang mga nasabing laro.

Tulad ng normal na paggamit ng Kadita, mahilig si God1va na mag-flank ng mga kalaban at magtago sa brush bago mag-initiate ng team fight. Ang basic combo ng hero na Breath of the Ocean, Ocean Oddity at Rough Waves ay madalas makapagbura ng kalaban sa mapa.

Nakakapukaw ng interes na kahit siya ay isang tank/roamer, pinipili pa rin ni God1va na bumili ng magic-heavy items maliban lamang sa boots upgrade.

Item build in God1va para sa kanyang roaming Kadita

  • Necklace of Durance
  • Clock of Destiny
  • Genius Wand
  • Divine Glaive
  • Holy Crystal
  • Tough Boots

Bakit nga ba nakikita ni God1va bilang isang solid roaming hero ang Ocean Goddess?

Credit: Aura Fire

Nang tanungin bakit pini-pick niya si Kadita, sinabi ni God1va na mas magaan gamitin ang Ocean Goddess sa roaming role kumpara sa paglalaro sa kanya bilang support o gold laner.

“You’ll need a gold advantage if you play her as a support or side laner. Playing her as a roam means you get to focus on crushing your enemy,” sabi ng Aura standout.

(Kailangan meron kang gold advantage kapag nilaro mo siya bilang support o gold laner. Kapag ginamit mo siya bilang roaming hero, makakapag-focus ka sa pagdurog ng kalaban mo.)

“I couldn’t use Kadita last season due to the patch, but now everyone supports me playing the hero in the roam position,” dagdag pa niya.

(Hindi ko magamit si Kadita last season dahil sa patch pero ngayon lahat sinusuportahan na ako sa paggamit sa kanya sa roam position.)

Sundan ang opisyal na Facebook page ng MPL Indonesia para sa iba pang update ngayong Season 8.

Ang orihinal na akda ay dito niyo mababasa.