Tagumpay ang Onic PH laban sa Bren Esports sa Week 4 Day 2 ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL) Philippines Season 8.

Mabilis na tinapos ng Onic PH ang kanilang match laban sa Bren Esports sa score na 2-0.

Sa dalawang matches na ito ay namayagpag ang Lancelot ng Onic jungler na si Kairi Rayosdelsol, na may KDA na 5/1/5 at 8/1/4 sa games one at two. Sya din ang tinanghal na MVP ng ikalawang game.

MLBB Kairi MVP
Screeenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Sagot ni Kairi sa opinyon ng Bren Esports

Sa post-match interview, nabanggit  kung paanong pinuri ng Bren Esports player na si CJ Ribo si Kairi bilang best player sa kanyang opinyon at bilang magaling na jungler, na kinontra naman ni Karl “Karltzy” Nepomuceno sa kadahilanang hindi pumapalag ang Onic pro player.

Kalmadong sinagot ito ni Kairi ng “Good luck sa susunod na laban.”

Sa kabila ng tinanggap na kritisismo, mas pinili ng Onic jungler na magpakumbaba at huwag pumatol. “Wala tayong magagawa kasi hindi naman ako mayabang,” sabi ni Kairi. “Ayokong bumaba sa level nila.”

Napabilib ang MPL host na si Mara Aquino sa mahusay na sagot na ito ng game two MVP, na piniling umiwas sa issue.

Kakaharapin ng Onic PH ang Echo sa September 19, ang Week 4 Day 3 ng kasalukuyang season ng MPL PH.

Mapapanood ang laban sa official Facebook page ng MPL Philippines.