Isa si Kaja sa mga hero sa Mobile Legends: Bang Bang na nakinabang sa paglapag ng patch 1.6.10, lalo na’t na-etsa-puwera ito noong nakaraang fast-paced na meta.
Ngayong nagbabalik na ang Nazar King sa ikawalong season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH), isa ang Gold Laner ng RSG PH na si Joshwell Christian “Iy4knu” Manaog sa nagpakitang-gilas bilang Kaja.
Kaja buffs sa ML patch 1.6.10

Narito ang mga changelogs kay Kaja sa pinakahuling ML patch:
Attribute
- Base physical defense pinataas mula 16, naging 21.
Passive – Wrath Sanction
- Bagong effect: Nakaka-restore na ng HP ang enhanced basic attack.
Skill 1 – Ring of Order
- Bagong effect: Nababawasan ng 0.3 segundo ang cooldown ng passive pag nakaka-damage ng minions.
Skill 2 – Lightning Bomb
- Pinababa ang cooldown mula 13-11 segundo, 13-10 segundo na.
- Pinababa ang magic power banus mula 120%, 80% na lang.
Ultimate – Divine Judgement
- Pinababa ang magic power bonus mula 150%, naging 100%.
- Pinababa ang magic defense reduction mula 10-30, naging 10-20.
- Tinanggalang magic defense boost.
Kung susuriin ang mga nasabing pagnbabago, ang Wrath Sanction, Ring of Order, at defensive attributes ni Kaja ay nakatanggap ng buff. Sa kabila nito, pinahina naman ang Lightning Bomb at Divine Judgement.
Pinalakas man ang kanyang presensya sa early game, bumaba naman ang potensiyal nito pag dating sa team fight matapos pahinain ang kanyang ultimate.
Sa kabila nito, pareho pa rin ang mechanic ng kanyang ultimate na sinu-suppress at hinihila ang mapipiling kalaban. Naayos na rin ang taglay na kahinaan ni Kaja sa early game kaya’t buff pa rin ang naturang hero kung tutuusin.
Ang Kaja performance ni Iy4knu ng RSG PH sa MPL PH Season 8
Noong ikalawang linggo ng Regular Season ng naturang liga, maagang natulak sa bingit ng series point ang RSG PH kontra ECHO. Sinubukan bumawi ng koponan ni Iy4knu sa tulong ng Kaja para labanan ang Beatrix ni Benedict “Bennyqt” Gonzales at Ling ni Jaymark “Hadess” Lazaro.
Napagana ng tinaguriang ‘Kingslayers’ ang kanilang plano salamat na rin sa 4/4/16 KDA performance ni Iy4knu. Nagdesidio ang manlalaro na bumuo ng magic damage para masandalan ng kanyang koponan pagdating sa opensa.
Crucial ang mga hatak niya noong early game para hindi makaporma ang Beatrix at Chou ni Jason “Jay” Torculas. Naging patunay din ang 16 assists niya sa naging impact niya sa laro.
Kaja build ni Iy4knu ng RSH PH

- Immortality
- Calamity Reaper
- Shadow Twinblades
- Holy Crystal
- Divine Glaive
- Winter Truncheon
Napalakas ng build nito ang potensyal ng Kaja ni Iy4knu na makapitas ng mga kalaban. Sa isang combo, kaya nito lumusaw ng malambot na marksman o mage.
Matapos ang tatlong linggo ng MPL PH Season 8 Regular Season, naka-upo sa ikalimang puwesto ng standings ang RSG PH na may walong puntos.
Mapapanood ang MPL PH Season 8 Regular Season sa opisyal na Facebook at YouTube channels ng ML. Matatagpuan naman ang kompletong schedule at standings dito.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na article sa matatagpuan dito.