Kakaibang kamandag ang ipinanglason ng Execration sa kanilang pinakahihintay na salpukan kontra sa Blacklist International kung saan nanaig ang MPL-PH runner ups para iuwi ang kampyonato ng MSC 2021.
Bida sa MPL-PH Season 7 grand finals rematch ang naguumapaw na damage output ng super rookie na si Duane “Kelra” Pillas na lumapnos sa Ultimate Bonding Experience strategy ng Blacklist.
Sa primerang sagupaan, pasabog na agad ang atake ng kupunan ni Coach Kristoffer “BON CHAN” Ricaplaza. Kombinasyon ng time bombs ng Diggie ni Mark “Eson” Gerardo at Popol’s Surprise ng Popol and Kupa ni Johnmar “OhMyV33NUS” Villaluna ang nagpahirap sa rotation ng Execration.
Tunaw naman sa dalang damage ng Brody ni Danerie “Wise” Del Rosario ang mga miyembro ng EXE. Inilista ni wise ang 49k total damage output patungo sa 12 minuto panalo.
Hindi pumayag ang lower bracket kings na makakuha ng tempo ang MPL-PH Season 7 champions. Sa game 2 ng serye, burst damage ang tirada ng Execration sa Kagura ni Duane “Kelra” Pillas at Eudora ni James “E2MAX” Caidic.
Tampok din sa pangalawang sultada ang pagnakaw ng EXE sa Brody na ipinahawak kay Kiel VJ “kielvj” Hernandez na pinakitaan si Wise sa 58k damage output.
Hindi binigo ng dalawang teams ang parehong agents at lupon sa isang napakainit na game 3 kung saan pinatunayan ng Execration ang lakas nila sa clutch moments ng laro para kumpletuhin ang comeback panalo.
Kahit pa super sustain ang dala ni Edward “Edward” Dapadap gamit ang kanyang Barats, hindi kinaya ng kabuuan ng kanyang team ang malahalimaw na Esmeralda ni Kelra na nagtala ng 9/4/4 KDA.
Kasing-init ng game 3 ang dumating na ika-apat na sabong sa Pinas vs Pinas na matchup. Matalinong pag-bait ng Times Journey ng Diggie ni OhMyV33NUS ang tampok na outplay ng Execration para ibalik ang maagang atake ng Blacklist International.
Susi ang Lunox ni Kelra para sa late game panglalason. Nagtala ang super rookie ng 10/2/5 KDA kasama ang napakaraming outplays para sa MVP gantimpala.
Hindi gumana ang 50-50 Franco pick ni Coach Bon Chan sa game 5 kung saan walang dungis ang early game ng Brody ni Kielvj. Sa gold lane naman, Chang’e ni Kelra ang nakalamang sa laning phase papunta sa dominanteng 15/2/5 KDA.
Sa panalong ito, hindi lang naiuwi ng Execration ang MSC 2021 tropeyo para sa Pilipinas. Nakumpleto din nila ang kanilang dramatikong paggapang mula sa lower bracket papunta sa kampyonato.