Naglabas na ng opisyal na pahayag ang Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL) tungkol sa isyung nakapalibot sa Smart Omega gold laner na si Duane “Kelra” Pillas.

Kaugnay ito ng mga homophobic na komento at ginawang sexual harassment ni Kelra sa isang stream kasama ang mga Indonesian pro players na sina Albert “Alberttt” Neilsen Iskandar at Calvin “Vynnn”.

OFFICIAL STATEMENTGrant Duane "Kelra" Pillas of Omega Esports was found in violation of the Mobile Legends: Bang Bang…

Posted by MPL Philippines on Monday, August 16, 2021

MPL PH, nagsalita na tungkol sa Kelra Issue

Base sa Facebook post na inilabas ng MPL-PH, natagpuan nilang nilabag ng Smart Omega superstar ang MPL-PH S8 rules 12.33 at 12.44.

Nakasaad sa nasabing panuntunan na maigting na ipinagbabawal ang mga komento o gawaing kaugnay sa pang-aabusong sekswal at diskriminasyon.

Kaya naman papatawan ng dalawang linggong suspensyon si Kelra na magsisimula sa unang araw ng pagbubukas ng MPL-PH S8. Kasunod nito, bibigyan din ng babala ang pro at ang kaniyang buong kupunan, kasabay pa ng karampatang multa.

Ani ng MPL-PH Operating Committee, hindi magdadalawang isip ang organisasyon na pagbayarin ang sinumang magtatangkang magpalawig ng kahit anong uri ng diskriminasyon.

“The MPL-Philippines is working with all the teams to produce a safe environment for everyone. Let’s work together to build a more mature and professional league.” saad ng liga.

Simula din ngayon, kinakailangan ng dumalo ang lahat ng mga pro players sa gaganaping Gender Sensitivity and Sexual Harassment Awareness Training Seminar.


Unang Kelra Issue: Homophobic at mga komento

Sangkot sa isyung homophobia at sexual harrasment ang batang pro na natagpuang nagbitaw ng mga maiinit na komento tungkol sa ibang pro players sa MLBB sa isang livestream.

Unang dagok ang binitawang biro ni Kelra tungkol sa Blacklist International dynamic duo na sina Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna at Danerie “Wise” Del Rosario.

Naging mainit ang responde ng mga fans na agad pinuna ang malaswang komento mula sa OMG player. Ipinunto ng mga miron na hindi katanggap-tanggap ang mga patutsada ni Kelra sa Blacklist superstars na kilalang miyembro ng LGBTQ community.

Agad nanghingi ng pasensya ang OMG player na naglabas ng public apology gamit ang kaniyang Facebook page.

Screenshot ni Calvin Trilles / ONE Esports PH

Ikalawang Kelra Issue: Sexual Harrasment

Credit: IDNS

Nagbaga pa lalo ang Kelra issue ng matagpuang nagbitaw din ang MSC standout ng hindi kanais-nais na mga pahayag tungkol sa babaeng pro MLBB player na si Patchara “Ramella” Korpakdee ng IDONOTSLEEP.

Sa parehong livestream kasama si Albert at Vynnn, sinaad ng OMG star ang nais niyang mangyari sa pagitan niya at ng babaeng Thai player. Maraming fans ang natulig sa sinabe ng pro.

Ramella at IDNS, nagbigay na ng komento tungkol sa Kelra Issue

Credit: Ramellabah Facebook

Ipinahayag ng Thai esports star ang pagkadismaya niya tungkol sa nasabing isyu sa Pilipinas. Aniya, malungkot daw siya dahil hindi pa raw nagpapaabot ng pasensiya ang mga partidong sangkot dito.

“This kind of action is the reason why there is not a lot of female players. My team and I kept mentioning about female players in esports many times in media. Sadly, it still happens. And nothing has been done to correct it, not even issuing formal apologies nor any action regarding the matter.” ani ng IDNS roamer.

Hindi na rin daw muna magiging aktibo ang Thai player sa mga tournaments habang hindi pa nila napapatunayan na ligtas mula sa diskriminasyon at pang-aabusong sekswal ang liga.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang partido ni Kelra.