Isa si Khufra sa mga tank heroes na pinakamahirap kalabanin sa Mobile Legends: Bang Bang. Sa isang yakap lang kasi nito ay maari nang maselyo ng isang koponan ang panalo kahit mula pa sa pagkakadehado.

Kahit na ganito kalakas si Khufra, tila hindi na naging masyadong sikat ang mga pure tanks heroes kagaya niya noong mga nakalipas na seasons ng MPL.

Ang pagbabago sa tank meta

Sa huling dalawang seasons ng liga, pinalitan ng mga fighter ang mga roamer at tank. At kamakailan lang, mga support healers naman ang bumida dahil sa ‘Nice One, Baby’ meta na pinauso ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League – Philippines Season 7 champions, Blacklist International.

Mas madalas pang gamitin sina Jawhead, Silvanna, Hilda, at Chou dahil sa kanilang crowd control abilities at masakit na damage sa early game. Pati na rin sina Mathilda, Angela, Rafaela, at Estes na malakas ang sustain capabilities.

Credit: MPL-ID

Dahil dito hindi na masyadong napansin ang mga tank. Sa MPL-ID, ni hindi nga masyado nakapag-tank ang mga top-rated players katulad ni EVOS Legends LJ at DreamS dahil sa pagbabagong ito sa meta.

Paano sumikat si Khufra sa MPL-MY at MPL-PH playoffs?

Hindi inaasahan ang muling pagbabalik ni Khufra sa pro play. Pero noong playoffs ng MPL-PH at MPL-MY, naghasik nanaman ng lagim ang malupit na setter.

Ch4knu lalaro sa MSC 2021
Credit: Ch4knu

Ayon kay Indonesian analyst Ryan “KB” Batistuta, ang pagpi-pick kay Khufra ay para makontra ang mga junglers katulad ni Ling at Lancelot dahil sa anti-blink mechanic ng Bouncing Ball.

Nakikita rin si Khufra ng mga teams kagaya ng Execration, Todak, at RSG MY bilang pamalit kay Jawhead lalo na kung hindi assassin ang Jungler ng kalaban.

Lumabas si Khufra sa lima ng anim na kabuuang laro ng MPL-MY grand finals sa pagitan ng Todak at RSG MY, at nagtapos ang tank hero na may 100% win rate.

Samantala sa MPL-PH, naging susi rin ang Khufra ni Joshua “Ch4knu” Mangilog para mailaglag ang Bren Esports at Aura PH sa playoffs at makamtan ang unang grand finals appearance ng koponan.

[MPL-PH S7 Day 4] EXE vs BREN Game 3

Ch4k-Mamba says wala munang uuwi as EXE takes Game 3! Ito na ang LONGEST game ngayong S7Video from MPL Philippines

Posted by ONE Esports Philippines on Saturday, May 29, 2021
Credit: MPL Philippines

Maging contested pick kaya si Khufra sa MSC 2021?

Magandang balita para sa EVOS Legends at Bigetron Alpha, mga koponan na kakatawan sa Indonesia sa paparating na MSC 2021, at Execration, na iwawagayway ang bandera ng Pilipinas, ang muling pagbabalik ni Khufra sa professional play.

May malalakas na tank players ang mga koponang nabanggit katulad ni LJ o kilala sa tawag na “Mr. Khufra Indonesia” at Ch4knu, na binansagang “Ch4k Mamba”.

Dahil sa kasikatan ni Khufra sa mga mas malalakas na bansa sa rehiyon, dapat abangan kung tuluyan na bang maging high-contested pick ang tank hero sa paparating na regional tournament.