Pinangalanan ng ONIC Esports roamer na si Kiboy ang team na kanyang pinakaaabangan sa MPL ID S10 playoffs, base ito sa kanyang obserbasyon sa performance ng bawat team sa ikalawang leg ng regular season.

Sa regular season ng MPL ID S10, nanguna ang ONIC sa standings matapos ang matagumpay na makakuh ng 11 na panalo. Mataas ang numerong ito, lalo na’t hindi biro ang bangis ng na taglay ng bawat team, na kayang talunin ang isa’t isa.

Sa season na ito, ilang surpresa din ang naganap, kung saan unang beses na nakapasok sa playoffs ang Rebellion Zion at nagawang ilaglag ang isang malaking team gaya ng EVOS Legends sa kanilang pag-angat.

Sa pagtingin sa bawat team na kalahok, lalo na magmula noong ikalawang leg ng MPL ID S10 regular season, ibinunyag ni Kiboy  ang isa sa mga teams na inaabangan niyang makakapasok sa playoffs. Hindi ito RRQ Hioshi na runner-up ng nakaraang season, kundi ang Rebellion.

“In my opinion, Rebellion. I don’t know, they’re different, the opposite. If the other team goes up and down, but they go down first and then go up. That’s what’s really scary,” sabi niya sa ONE Esports.

“It’s something like this that’s actually spooky. They’re from the bottom, learning on, improving all the way through to the playoffs. Attacking in the playoffs, depending on the mentality and strategy of the coach is still there or not. They’re spooky,” sabi niya.

Nakakagulat na marinig mula kay Kiboy na ang Rebellion, na nagpursiging makapasok sa playoffs, ang team na kanyang kinakatakutan sa lahat. Gayunpaman, ang lahat nang ito ay may dahilan.

Tama si Kiboy na inaabangan ng O)NIC Esports ang Rebellion Zion sa MPL ID S10 playoffs

ONIC Esports Juara Musim Reguler MPL ID S10
Credit: ONE Esports

Sa leg 2 ng MPL ID S10 regular season, naipakita ng Rebellion na sila ang most improved kung ihahambing sa ibang mga teams na kinailangang makasiguro ng kanilang mga pwesto sa palyoffs sa mga huling linggo season.

Matapos makakuha lamang ng dalawang panalo sa unang leg, nagawa ng Rebellion na patahimikin ang kanilang mga kritiko nang makakuha sila ng apat na panalo sa kanilang pitong games sa ikalawang leg.

Ang nakakagulat pa dito, nagawa ng Rebellion na maging isang team na laging nananalo laban sa Aura Fire at RRQ Hoshi sa MPL ID S10. Habang ang ibang teams naman na nagawa nilang talunin ay ang EVOS Legends at Alter Ego.

Rebellion Zion vs Aura Fire MPL ID S10
Credit: ONE Esports

Ngunit para sa ONIC Esports, hindi pa sil natatalo sa Rebellion sa regular season. Sa kanilang dalawang laban, nagawa ng mga Hedgehog na makakuha ng 2-0 na panalo sa kanilang unang pagtatagpo, at 2-1 naman sa ikalawang leg.

Kaabang-abang na makita kung makakapalag ba ang Rebellion Zion laban sa ONIC kung sakaling maghaharap silang muli sa playoffs. Kung mangyayari ito, makikita natin kung talagang dapat katakutan ang mga Blue Bulls tulda ng sinasabi ni Kiboy. Ang lahat nang ito ay masasagot sa MPL ID S10 playoffs na gaganapin sa kalagitnaan ng October 2022.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.