Sa mga kamay ng MPL PH champion at beterano na si Kiel VJ “Kielvj” Cruzem iaasa ng Omega Neos ang kanilang kampaya sa unang edisyon ng Mobile Legends: Bang Bang Developmental League Philippines (MDL PH Season 1).

Kasunod ito ng anunsyo ng Omega Esports sa kanilang social media pages kung saan inilahad nila ang kumpletong roster ng kanilang developmental team.


Pangungunahan ni Kielvj ang atake ng Omega Neos sa MDL PH S1

Credit: Kielvj

Makakatulong ni Kielvj ang ZOL Esports standout at dating Execration pro na si Jeff “S4gitnu” Subang, gayundin ang MPL Cambodia Autumn 2022 champion at former Burn x Flash jungler na si Michael “MP the King” Endino.

Aasahan din ng Omega Neos ang utak ni Cesar “Amethyst” Santos na bumandera na din sa pros noong MPL PH Season 10. Bubuuin ng mga baguhan sa liga na sina West at Zone ang lineup ng koponan.

Credit: Omega Esports

Samantala, ang pro-turned-coach naman na si Douglas Joseph “Imbadeejay” Astibe II ang gagabay sa team sa kanilang kampanya sa MDL PH Season 1.


Roster ng Omega Neos sa MDL PH Season 1

Credit: Omega Neos
  • Kiel VJ “Kielvj” Cruzem (Midlane)
  • Jeff “S4gitnu” Subang (EXP Lane)
  • Michael “MP the King” Endino (Jungle)
  • Cesar “Amethyst” Santos (Midlane)
  • West (Gold Lane)
  • Zone (Roam)
  • Douglas Joseph “Imbadeejay” Astibe II (Coach)

I-liket at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa pinakahuling balita ukol sa MDL.

BASAHIN: Jaypee pangungunahan ang ECHO Proud sa MDL PH Season 1