Kinumpleto ng RSG PH ang listahan ng mga koponang lalahok sa MPL PH Season 8 playoffs matapos makaselyo ng isang panalo kontra ONIC Philippines sa huling linggo ng Regular Season.

Paano kinumpleto ng RSG PH ang MPL PH Season 8 playoff teams

Isang panalo lang ang kailangan ng koponan ni Coach Brian “Panda” Lim para makuha ang huling playoff spot at ma-deny ang maliit na tsansa ng Bren Esports na masungkit ito.

MPL PH Season 8 playoff teams, kinumpleto ng RSG PH
Credit: RSG PH

Sa pagsasanib-puwersa ng Pharsa ni Arvie “Aqua” Antonio at Ling ni Jonard “Demonkite” Caranto sa unang mapa ng best-of-three serye kontra second seed ng turneo, kinumpleto ng RSG PH sa wakas ang anim na MPL PH Season 8 playoff teams.

Credit: ONE Esports PH

Pasok man sa playoffs, RSG PH bigo pa rin kontra ONIC PH

Onic Philippines
Credit: Onic Philippines

Kahit kinumpleto ng RSG PH ng anim na MPL PH Season 8 playoffs teams, bigo pa rin ito maungusan ang ONIC PH.

‘Di alintana ng koponan ang pagkawala ng kanilang coach na si Denver “Yeb” Miranda na nagpapagaling ngayon matapos tamaan ng Dengue. Sinalo kasi nina Allen “Baloyskie” Baloy at Mark “Markyyyyy” Etcobañez ang responsibilidad sa pagda-draft.

“Kalahati po,” sagot ni Markyyy nang tanungin tungkol sa future nila bilang coach. “Mahirap po ‘pag tournament eh.”

“Ang pinaka-challenge po kasi nasanay kami na chill lang mag-draft kasi si coach talaga ‘yung in charge sa lahat. Even ‘yung mental health namin tsaka ‘yung mga laro namin siya ‘yung nag-aayos,” dagdag ni Baloyskie. 

Credit: ONIC PH

Sa dalawang magkasunod na mapa, nagpakitang-gilas ang Hayabusa ni Kairi “Kairi” Rayosdelsol para kumpletuhin ang reverse sweep at makamtan ang ikasiyam nilang panalo sa Regular Season.

Hinirang ang Jungler na binasagang “The Present” bilang MVP ng huling dalawang mapa matapos magtala ng combined 16 kills at walong assists, kontra isang death sa huling dalawang mapa ng bakbakan.


Subaybayan ang mga kaganapan sa MPL PH Season 8 sa pamamagitan ng pag-like sa Facebook page ng ONE Esports Philippines. Mapapanood naman ang mga laban sa Facebook at YouTube channel ng MPL Philippines.