Dismayado ang Alter Ego sa kanilang maagang pag-uwi mula sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 7 playoffs (MPL ID), kaya naman ngayong offseason, determinado silang palakasin ang kanilang roster na sasabak sa season 8.

Sinimulan nila ang kanilang comeback agenda sa pagkuha ng serbisyo ng matikas na tank player na si Rasya Arga “Rasy” Wisista. 

Matapos lamang ianunsyo ng ONIC Esports na papakawalan na nila ang pro, walang patumpik-tumpik na ibinahagi ng Alter Ego na kukunin nila ang serbisyo ni Rasy para sa paparating na MPL ID S8.


Mas aktibo ngayon sa trading block ang Alter Ego matapos kunin si Rasy

Sorpresa sa iba na malaman na sasabak na ang 20-taong gulang na pro para sa Alter Ego. Ito ay dahil kilalang hindi aktibo sa trading block ang organisasyon na huli lamang gumawa ng offseason move ng kuhanin nila si  Muhammad “Udil” Julian bago tumutungtong ng MPL ID Season 5.

Ito ang official MPL ID S8 lineup ng Alter Ego:

Credit: Moonton
  • Rasya Arga “Rasy” Wisista
  • Ahmad “Ahmad” Abdurrahman
  • Julian “LeoMurphy” Murphy
  • Ilyas “Caesius” Rahmanda
  • Eldin Rahadian “Celiboy” Putra
  • William “Yam” W
  • Rafly Alvareza “Pie” Sudrajat
  • Muhammad “Udil” Julian
  • Syauki Fauzan “Nino” Sumarno

Paano naman si LeoMurphy?

Credit: Moonton

Kasabay ng pag-sign ng kupunan sa dating ONIC Esports tank player, walang katiyakan ang mangyayari sa main tank player ng Alter Ego na si ulian “LeoMurphy” Murphy.

Kamakailan lamang ay nagpahiwatig ang bantog na pro na maaari na siyang magretiro mula sa pro play para magbigay daan sa kaniyang streaming career.