Patuloy na lumalaki ang Mobile Legends: Bang Bang competitive scene sa Latin America. 

Naganunsyo ang Moonton Games ng launch ng LIGA LATAM, ang kauna-unahang opisyal na western regional circuit ng MLBB sa labas ng Southeast Asia.

Ano ang LITA LATAM ng Mobile Legends: Bang Bang?

LIGA LATAM
Credit: MPL Brazil

Makikita sa tournament na ito ang iilan sa pinakamahusay na teams mula sa Brazil, Bolivia, Chile, at Peru. Ang apat na bansang ito ay maglalaban-laban sa Land of Dawn sa November 3 hanggang November 7.

Ang mananalo ay makakatanggap ng US$6,000 na prize money, habang ang mga runner-ups ay maguuwi ng US$4,000.

Ang tournament ay pinresenta kasama ang TikTok Gaming LATAM, at maaring mapanood sa lenggwaheng Portuguese at Spanish.

Ayon ky Kim Farrell, ang LATAM Marketing Director sa TikTok, ang patuloy na pagsikat ng Mobile Legends: Bang Bang sa Latin America ay “inspiring.”

“Collaborating with MOONTON Games to launch the LIGA LATAM tournament is a natural extension of TikTok’s efforts to drive conversations within our highly engaged gaming community, while unlocking professional esports opportunities for players across the region,” sulat ni Kim.

Magkakaroon ng isang representative ang Bolivia, Peru, Argentina, habang dalawa naman ang manggagaling sa Brazil.

Saan pwede panoorin ang LIGA LATAM? 

Credit: MPL Brazil

Maaring mapanood ng mga Portuguese fans ang MLBB action sa iba’t-ibang platforms, tulad ng sa Facebook, YouTube, TikTok, at Twitch ng MPL Brazil. 

Pwede rin mapanood ang Spanish streams sa Facebook page, Twitch, TikTok, at YouTube ng Mobile Legends: Bang Bang Español.