Bago magsimula ang playoffs ng in Mobile Legends: Bang Bang Professional League Malaysia Season 8, naglabas ng pasabog ang Orange Esports kontra Team Bosskur sa Week8 kung saan isinalang nila ang Jungle Leomord.
Sa meta ngayon kung saan patok ang assassins, marksmen at kahit pa ang mga tanks bilang junglers, ipinakita ni LinkEzaa na pwede pa rin ang Leomord sa pro play.
Strong performance ni LinkEzaa sa Jungle Leomord sa Week 8 ng MPL MY S8

Sa game one kontra Team Bosskurr, isinalang ng Orange Esports ang last pick Leomord kontra sa two-man marksman setup ng kalabang team.
Matatandaang malakas ang early game ng Leomord dahil sa kaniyang Decimation Assault skill na makati laban sa mga malalambot na heroes.
Hindi naman nagsisi ang Orange sa kanilang panggulat na pick dahil dinomina ni LinkEzaa ang kabuuan ng laro, kung saan inilista niya ang malinis na 6/0/2 KDA.
Kaalinsunod nito, itinanghal din siyang MVP of the game dala ng kaniyang magilas na maniobra sa kaniyang jungler fighter hero.
Bagamat kinapos ang kaniyang kupunan sa seryeng natapos ng 1-2 pabor sa Team Bosskurr, isa ang Jungle Leomord play ni LinkEzaa sa patunay na maaaring hawakan ang off meta heroes sa mga piling sitwasyon.
Ano ang best build para sa jungle Leomord sa MLBB?

Isa ang Leomord sa mga flexible heroes sa MLBB. Sa katunayan, maaari siyang laruin bilang pure damage dealer, o di kaya naman ay semi-tank, at sa ilang pagkakataon ay pure defensive hero.
Sa larong ipinakita ni LinkEzaa sa naturang game, pinili niyang hawakan ang hero na may pure damage items.
- Swift Boots with Bloody Retribution blessing
- War Axe
- Windtalker
- Malefic Roar
- Endless Battle
Base sa kaniyang build para sa jungle Leomord, mahihinuhang Blade of Despair ang gagawin niyang huling item.
Pagsasalin ito sa sulat ni Jules Elona ng ONE Esports.