Para sa mga Mobile Legends: Bang Bang players sa Middle East, heto na ang kinaaabangan nilang tiyansa para katawanin ang Arab region para sa paparating na M3 World Championship.

Paparating na ang pagbubukas ng M3 Arabia Major, ang unang opisyal na MLBB Tournament sa Middle East sa 2021.

Ano ba ang M3 Arabia Major?

https://www.facebook.com/272524763449845/videos/386115772905532/

Ang M3 Arabia Major ang ikalawang major Mobile Legends: Bang Bang tournament na gaganapin Middle-East region, kasunod ng nauna ng MLBB: Gulf Cup 2020 noong isang taon.

Bukod sa pagiging kinatawan ng Middle East sa M3 World Championship sa Disyembre, ang mananalo ay makakakuha din pinakamalaking bahagi ng tumatagingting na US$50,000 prize pool at 114,000 diamonds. 

Ito rin ang unang beses na lalahok ang isang kupunan mula sa Middle East sa pinakamalaking MLBB tournament sa mundo na tatakbo sa iaktlo nitong taon.

Kailan magsisimula ang torneyo?

Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Gaganapin ang open qualifiers sa August 6 at August 7. Ang top 16 teams mula rito ay ay aangat sa group stage na tatakbo naman mula August 13 hanggang September 9.

Sa September 10 hanggang September 17 magbabalagbagan ang mga natirang kupunan sa playoffs, habang hihirangin naman ang kampyon sa September 24.

Ang mga players mula Saudi Arabia, UAE, Kuwait, Qatar, Oman, Bahrain, Egypt, Jordan, Morocco, Iraq, Sudan, Lebanon, Algeria, Tunisia, Yemen, Syria, Palestine, Libya, Mauritania, Somalia, Djibouti ay maaaring sumali sa kumpetisyon.

Sa pinakahuling ulat ay mayroon nang 484 kupunan na nagrehistro para sa M3 Arabia Major.