Na-leak na ang work-in-progress na M3 skin ni Estes, ang ipinangakong award ng Moonton sa Blacklist International para ipagdiwang ang kanilang pagkapanalo sa M3 World Championship.

Ayon sa video na in-upload ni Hero-Pofa sa kanyang YouTube channel, tatawagin daw ang M3 skin ni Estes na Blacklist Sentinel. Tampok dito ang hero tangan ang mga kulay na itim, puti, at ginto.

Leak: Ito raw ang itsura ng M3 skin ni Estes ng Blacklist International
Credit: Hero-Pofa

Liban sa naturang splash art, wala nang ibang detalye ang na-leak, gaya na lang ng skill effects at animations. Wala ring impormasyon kung kailan ito opisyal na ilalabas ng Moonton.

Kaabang-abang ang naturang M3 skin ni Estes. Matatandaang noong Disyembre ng nakaraang taon, nag-trending ang #MerryEstes nang ianunsyo ng Moonton na tutuparin nila ang kagustuhan ng Blacklist International na ialay sa support hero ang kanilang pagiging world champion.



Ito ang ikatlong M-series skin matapos ang Harith ng EVOS Legends at Lancelot ng Bren Esports.


Kailan nga ba maaaring ilabas ang M3 skin ni Estes?

Leak: Ito raw ang itsura ng M3 skin ni Estes ng Blacklist International
Credit: Hero-Pofa

Kung pagbabasihan ang release date ng mga naunang M-series skins, marapat lang asahan na mailabas M3 World Championship skin ng Blacklist International bago ang M4 World Championship na nakatakdang magsimula sa Enero 1, 2023.

Noong nakaraang taon kasi, opisyal na ipinakita ng Moonton ang Bren Esports Lancelot skin noong katapusan ng Hulyo, ito rin ang buwan kung kailan ito naging available sa client.

Ibinahagi rin ni Hero-Pofa na magkakaroon din na special pre-sale offer ang M3 skin ni Estes, gaya ng sa Lancelot ng Bren Esports. Dito, maaaring makuha ng players ang skin nang may 50% discount kung matatapos ang mga misyon.

Leak: Ito raw ang itsura ng M3 skin ni Estes ng Blacklist International
Credit: Moonton

Kung magkapareho ng presyo ang M2 at M3 skins, maaaring mabili ang Estes skin ng Blacklist International sa discounted nitong presyo na 499 Diamonds.

Bukod sa pre-sale offer, nagkaroon din noon ang Bren Esports Lancelot skin ng dagdag discount sa tulong ng in-game friends. May ibinenta rin noon na trial card sa halagang 20 Diamonds para sa three-day duration, at 40 Diamonds para sa seven-day duration.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: MPL PH Season 10: Kumpletong roster ng walong koponan