Magandang balita para sa mga nag-aabang sa Mobile Legends: Bang Bang M3 World Championship na gaganapin ngayong taon.

Inanunsyo ni Moonotn ang prize pool ng prestihiyosong turneo na pinalaki nang tatlong beses kumpara noong mga nakaraang championships.

Magkano ang prize pool ng M3 World Championship?

Sinurpresa ng Moonton ang lahat matapos nitong ibunyag sa kanilang opisyal nilang Instagram account na US$800,000, o halos ₱40,000,000, na ang prize pool ng palaro.

M3 World Championship prize pool
Credit: Moonton

Malaki ang itinaas ng perang papremyo mula sa US$300,000 noong M2 World Championship, at $250,000 noong unang beses itong inanunsyo noong 2019.

Ang mabilis na paglago ng Mobile Legends: Bang Bang esports scene

Credit: Bren Esports

Isa lang ang nasabing anunsyo sa maraming hakbang ng Moonton upang lalong mapalawak ang competitive scene ng MLBB sa buong mundo.

Nito lang, kanila ring ni-launch ang M3 Arabia Major, isang palaro na eksklusibo para Middle East na magsisilbing pagkakataon para sa kanilang manlalaro na makatapak sa global stage.

Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Meron din silang effort sa pag-expand sa west matapos i-anunsyo ang North America qualifier para sa M3 World Championship na iho-host ng tanyag na esports caster na sina Jake “SirActionSlacks” Kanner at Austin “Capitalist” Walsh.

Ang magwawagi sa nasabing qualifier ay magiging kinatawan ng rehiyon para sa M3 World Championship.


Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na article sa matatagpuan dito.