Maging parte ng M5 World Championship sa pamamagitan ng M5 pass, ang battle pass ngayong taon para sa pinakamalaki at prestihiyosong mobile esports tournament ng Mobile Legends: Bang Bang.
Simula November 10, maari na bilhin ang pass, para makuha ang mga ekslusibong rewards, tulad ng bagong Yu Zhong M5-themed skins.
Dagdag pa sa in-game rewards, ang mga players na makakamit ang maximum level ay makakatanggap ng real-life Yu Zhong figurine na ipapadala sa kanilang bahay.
Tignan ang mga freebies at events na kasama sa M5 pass.
M5 pass exclusive skins

May dalawa kang opsyon: maari mong bilhin ang regular pass na may halagang 399 diamonds, o ang Pass Plus na may halagang 699 diamonds.
Makukuha mo agad ang Dragon Shade Yu Zhong skin sa dalawang pass at iba pang ekslusibong rewards na kasama rito.
Ngunit may mga dagdag na benefits ang Pass Plus, tulad ng extra M5 coins, isang eksklusibong common action, at isang eksklusibong trail effect.

Makukuha mo sa level 75 ang PRIME Skin Cosmic Dragon Yu Zhong skin, habang sa level 150 ay makakatanggap ka ng prime Yu Zhong figurine na makukuha mo pagkatapos ng tournament.
Iba pang skin rewards na available sa event

Ibabalik ng M5 World Championship ang eksklusibong M3 rewards sa event shop. Para makuha ang mga skins at items na ito, maaring gastusin ang diamonds o makakuha ng M5 coins sa pamamagitan ng pag-level up ng kanilang M5 pass.
Sa eksklusibong event na ‘to hanggang December 31, magiging available ang PRIME skin Field Haunter Roger at Phantom Ranger Roger skin.
Magbabalik ang Battle Night campaign at magtatagal ng dalawang araw, mula December 30 hanggang December 31.
Kumpletuhin ang mga tasks para ma-unlock ang Battle Night Skin Chest sa kaniyang level, na mayroong mga iba’t-ibang skins tulad ng Epic at PRIME skins.
M5 support chest

Maari mong ma-level up ang iyong pass sa pag-kumpleto ng tasks. Ngunit may mas mabilis na paraan para maka-level up sa pamamagitan ng M5 Support Chests.
Mula November 20 hanggang November 23, may opsyon ang mga players na mag-pre-order ng support chest mula sa Event Hall o M5 Pass page para makakuha ng karagdagang M5 Pass experience.
Available ang mga Support Chests na ito para bilhin sa pamamagitan ng paggastos ng diamonds.
Magsisimula ang M5 World Championship sa December 2, 2023.
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita at guides patungkol sa Mobile Legends.
BASAHIN: Mahilig ka ba sa pusa? Para sa’yo ang Flying Swallow Wanwan skin