Nag-labas na ang Moonton Games ng isang sneak peek sa paparating na Flying Swallow Wanwan skin na mag-dedebut ngayong buwan sa Mobile Legends: Bang Bang.

At siguradong magugustuhan ito ng lahat ng cat lovers diyan.

Ilalabas ang skin na ito kasabay ng Double 11 celebrations, isang taunang event ng mga discounts sa heroes at skins sa in-game shop.

Sa skin na ‘to, isang makulay at futuristic na outfit ang suot ni Flying Swallow Wanwan.  

Ang kakaiba sa skin na ito sa mga iba niyang futuristic skins, tulad ng M-World Wanwan at Pixel Blast Wanwan, ay ang paghalo ng tradisiyonal na oriental elements.


Flying Swallow Wanwan character model at skill effects preview 

MLBB Flying Swallow Wanwan skin
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

May suot si Wanwan na pula at silver na solid metal armor para dumagdag sa futuristic touch ng kaniyang look.  

Nangingibabaw ang kaniyang wrist crossbow at hair tie na neon green ang kulay, para makabuo ng nakakabighani na aesthetic.  

Dinadala ka sa animation ng skin sa isang futuristic Chinese city na may mga engrandeng temple at skyscrapers.  

Makikita mo na puro cat posters at figurines ang Chinese city na ito. 



MLBB Flying Swallow Wanwan Crossbow of Tang
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Kitang-kita ang impluwensya ng mga pusa sa kaniyang skills, dahil karamihan dito ay mayroong mga elemento ng pusa. Isang logo ng ulo ng pusa ang lumalabas sa mga kalaban sa tuwing na-activate ang kaniyang Tiger Pace passive.  

Dagdag pa riyan, makikita rin ang isang ulo ng pusa sa tuwing na-tritrigger ang Needles and Flowers. Isang cat logo naman ang makikita sa kalaban sa tuwing fully exposed ang kanilang vulnerabilities dahil sa Crossbow of Tang.  

Naghahatid ang skin ng mga eksklusibong animations, tulad ng idle animations, walking animations, random actions, at sekretong hidden animation na makukuha sa homepage ng skin. 

Magiging available ang Flying Swallow Wanwan skin sa Nobyembre 11. 

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Mobile Legends

BASAHIN: 3 heroes na sulit gamitan ng Basic Common Emblem sa Mobile Legends