Pinasok na ng isa sa pinakamalalaking insurance companies sa mundo ang mundo ng gaming at esports.

Nakipagtambalan ang life insurance company na FWD sa Moonton Games para sa gumugulong na Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 12.

Kasabay nito, inilahad ng kumpanya ang bago nilang insurance product na idinisenyo partikular para sxa gamers.



FWD inilabas ang insurance product para sa MLBB fans

FWD insurance para sa gamers sa MPL PH S12 venue
Credit: Moonton Games

Inanunsyo ng insurance company ang kanilang bagong produkkot para sa gamers na tinawag na The One for gamers.

Nakaloob sa nasabing produkto ang extensive life, critical illnesss at accidental coverage, kasama pa ng in-game Mobile Legends rewards 20 araw pagkatapos itong ma-avail.

Nagsisimula ang plan sa PHP330 kada taon at puwedeng i-customize base sa iyong mga pangagailangan.

Ayon sa Philipines Chief Marketing and Digital Business Offier ng kumpanya na si Roche Vandenberghe,  nakatuon ang FWD para suportahan ang lahat sa gaming community.

FWD Insurance katuwang ang MPL PH
Credit: FWD Insurance

“Gamers recognize the importance of having great support, and this is the role we’re taking in real life,” aniya. “We act as the expert wingman who has your back, enabling you to focus on transforming any challenge into a triumph.”

Alamin ang masa maraming impormasyon sa kanilang official website.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita at guides patungkol sa Mobile Legends.

BASAHIN: Lahat ng kasaling koponan sa M5 Wild Card