Magsisilbing huling tsansa ang M5 Wild Card para sa walong MPL at non-MPL teams na makapasok sa M5 World Championship.

Ang walong koponan na ito ay magsasalpukan sa Kuala Lumpur, Malaysia para sa dalawang slot lamang sa pinakamalaking torneo ng Mobile Legends: Bang Bang ngayong taon.

Kasali sa kompetisyon ang magkahalong beterano, tulad ng Team SMG at Niightmare Esports, at papausbong na teams mula mga hindi kasikat na rehiyon, kagaya ng Keep Best Gaming ng China at Team Lilgun ng Mongolia.



Kumpletong listahan ng mga kasaling koponan sa M5 Wild Card

M5 Wild Card venue - Kuala Lumpur, Malaysia
Credit: Moonton Games
LIGA/TORNEOKOPONAN
LIGA LATAM 2023Imperio E-Sport
MPL Malaysia Season 12Team SMG
MLBB Continental Championships Season 2Umbrella Squad
MLBB Champion Battles Fall 20234Merical Esports
M Challenge Cup Mekong Season 2Niightmare Esports
ESN National Championship 2023Team Lilgun
MPL MENA Fall Split 2023Falcon Esports
ChinaKeep Best Gaming

Ang walong kwalipikadong koponan ay random na ilalagay sa dalawang grupo. Maglalaban-laban sila sa isang single round-robin format.

Aabante sa crossover matches ang top two teams mula sa bawat pangkat, habang matatanggal naman sa kompetisyon ang iba.

Haharapin ng first-seed team ang second-seed team ng kabilang grupo. Ang mga mananalo dito ang siyang makakaselyo ng puwesto sa M5 World Championship Group Stage.

Nakatakdang ganapin ang M5 Wild Card sa November 23 hanggang 26.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita at guides patungkol sa MLBB.

BASAHIN: Team Flash pinatalsik ang 3-time champs, nilista ang pinakamalaking upset sa MPL SG