Muling nagtagumpay ang Sky Kings sa pagtanggol sa kanilang trono upang gumawa ng kasaysayan sa Indonesian MLBB.

Pinadapa ng ONIC Esports ang Geek Fam, 4-2, sa grand final upang maging hari sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 12 (MPL ID Season 12). Ito ay ang kanilang ikatlong sunod na kampeonato.

Ang mga kampeon ng MLBB Southeast Asia Cup 2023 ay nakuha ang kanilang ikalimang MPL ID trophy. Kasabay nito ay nalampasan nila ang RRQ bilang koponan na may pinakamaraming panalo sa liga. Sila rin ang nag-uwi ng pinakamalaking bahagi ng US$336,500 na prize pool.



Tinalo ng ONIC Esports ang Geek Fam sa grand final upang gumawa ng kasaysayan sa MPL ID

ONIC Esports MPL ID Season 12 champion banner image
Credit: ONIC Esports

Nahirapan ngunit nagawang magtagumpay ng ONIC laban sa Bigetron Alpha at Geek Fam sa kanilang pagbabalik sa grand final.

Samantala, ang Geek Fam ay nakamit ang kanilang kauna-unahang finals appearance matapos talunin ang Dewa United Esports sa play-ins, baligtarin ang RRQ sa upper bracket semifinals, at patalsikin ang Bigetron Alpha sa lower bracket final.

Sa unang dalawang laro ng title series, nagtala ng malalaking tagumpay ang ONIC, kung saan ang matibay na frontline duo nina Kairi “Kairi” Rayosdelsol na jungle Fredrinn at ni First Team Roamer Nicky “Kiboy” Pontonuwu na Rafaela ang bumuhat sa laban.

Dahil dito, nakamit nila ang tagumpay sa game one sa loob ng 14 minuto na may 17-5 score sa kills, at tagumpay sa game two sa loob ng 19 minuto na may 23-4 score.

ONIC Esports' Nicky "Kiboy" Fernando at MSC 2023
Credit: ONE Esports

Mahalaga ulit ang ginampanang papel ni Kiboy sa ikatlong laro gamit ang Mathilda, nagbigay siya ng matibay na suporta sa kanyang mga kasama sa pamamagitan ng tamang paggamit ng Guiding Wind. Nakakuha siya ng 1/3/17 KDA at 95% kill participation sa tagumpay na nakuha nila matapos ang 21 minuto upang dalhin ang kanilang koponan sa championship point.

Gayunpaman, hindi tinanggap ng Geek Fam na mawawalis sila, kung kaya’t sumandal sila sa tibay ng Uranus ni Luke “LUKE” Valentinus na nagdala ng tagumpay sa pang-apat na laro, at sinuportahan naman ni Allen “Baloyskie” Baloy na gumamit ng Mathilda para gumawa ng malalaking comebacks mula sa 10,000 gold deficit sa pang-limang laro.

Nakamit ng ONIC ang kanilang kumpiyansa sa ika-anim na laro, kung saan si Kiboy, sa kanyang Hilda, ay naging agresibo sa pag-invade sa jungle ng Geek Fam sa early game kasama ang Angela ni Gilang “SANZ”.

Ito ay nagbigay-daan sa Yellow Porcupines na mag-snowball at kunin ang kontrol ng mapa. Kumpiyansa nilang nakuha ng mga objectives para tapusin ang kanilang makasaysayang kampeonato sa tagumpay na nakuha ang 16 minuto ng laro.

Para sa kanyang magaling na performance sa serye, si Kiboy ay nagwagi bilang Finals MVP.

Ang ONIC Esports at Geek Fam ang magiging kinatawan ng rehiyon sa paparating na M5 World Championship na nakatakdang gawin sa December sa Pilipinas.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa Mobile Legends, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

READ MORE: Pigilan si Nolan gamit ang 3 best counters na ‘to