May bagong hari sa Malaysia.

Winalis ng HomeBois ang Team SMG sa isang matinding grand final para manaig sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Malaysia Season 12 (MPL MY Season 12) at makapasok sa M5 World Championship.

Ito ang kanilang kauna-unahang MPL MY title simula nang sumali sa liga noong Season 7. Nakuha rin nila ang isang spot sa ONE Esports MPL Invitational 2023 ang US$25,000 na bahagi ng US$100,000 prize pool.

Habang naka-sungkit ang SMG ng pwesto sa M5 Wild Card tournament at ang runner-up prize na US$12,000.



HomeBois tinalo ang Team SMG, 4-3, sa isang malupet na MPL MY Season 12 grand final

MLBB MPL MY HomeBois
Screenshot ni Jeremiah Sevilla/ONE Esports

Tinapos ng HomeBois ang regular season sa third place, at kinailangan nilang manaig sa winner ng nakaraang season na Team HAQ sa pangalawang round para makapasok sa playoffs.

Tinalo nila ang top seed na RSG Malaysia, 2-1, sa upper bracket semifinals, at winalis ang Selangor Red Giants, 3-0, para makuha ang unang pwesto sa grand final.

Sa unang laro ng title series, himala ang naging comeback ng HomeBois mula sa isang 7,000-gold deficit. Nahuli ng Khufra ni Mohammad “Xorn” Noor ang Yu Zhong ng Team SMG sa damuhan bago siya pinatay ng Bruno ni Wahyu “RAIZEL” Saputra sa loob ng tatlong tira, para makuha ang Evolved Lord na nakatulong sa kanila manalo sa loob lamang ng 19 minuto.

Nanalo ulit sila dahil sa matinding initiations ni XORN gamit ang kaniyang signature tank na si Chou.

MLBB Xorn
Credit: ONE Esports, MPL Malaysia

Gumanti ang Team SMG sa pangatlong laro at umasa sa Karrie ni Lu “Sasa” Khai Bean, na nagtala ng positibong 3/1/9 KDA sa kanilang 17-minute win.

Muntik na maging patas ang serye dahil sa SMG sa sumunod na laro, matapos nilang ubusin ang HomeBois sa 19-minute mark. Ngunit kinuha ni HB ang Lord, at nagbigay ito sa kanila ng sapat na oras para mag-respawn ang kanilang apat na myembro para sa depensa.



Sa kabila ng kanilang pagkatalo, tinanggihan ng SMG ito, at pinilit ang isang winner-take-all game 7 sa serye sa pamamagitan ng Joy ni Pinoy jungler na si Kenneth “Saxa” Fedelin at Beatrix ni Sasa.

Sa huling laro, malakas na binuksan ng HomeBois ang laro, at pinangunahan ito ng Martis ni Muhammad Nazhan “Chibi” Mohd. Pinatili nila ang kanilang momentum, at kinuha ang pangalawang Lord para ma-selyo ang titulo ng kanilang panalo sa 13-minute mark.

Para sa kaniyang matinding performance, pinangalanang Playoffs MVP ang star roamer na si XORN.

Ang M5 na nakalaan sa Pilipinas sa December ang magiging world championship debut ng HomeBois.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa MPL.

BASAHIN: TheOhioBrothers winalis ang NACT Fall 2023 grand final, pasok sa M5 at MPLI