Matatag na ang posisyon ng TheOhioBrothers bilang top Mobile Legends: Bang Bang team sa North America.

Ito ay matapos nilang makuha ang 4-0 victory laban sa Avalon sa North America Challenger Tournament (NACT) Fall 2023 grand final upang mag-qualify sa parehas na M5 World Championship at ONE Esports Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2023 (MPLI 2023).

Binubuo ang team ng mga myembro galing sa Team Outplay na lumahok sa MSC 2023, at kasama na rin dito ang sikat na Filipino player na si ZIA.



TheOhioBrothers irerepresenta ang North America sa M5 at MPLI 2023 

MLBB TheOhioBrothers NACT Fall 2023
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Sa buong playoffs, nagpakita ng kahanga-hangang laro ang TheOhioBrothers sa kanilang marka na walang talo. Winalis nila ang Area77 at BloodThirstyKings sa upper bracket para umusad sa grand final.  

Iba naman ang tinahak ng Avalon matapos matalo sa BloodThirstyKings sa upper bracket semifinal.  

Sa lower bracket, nalampasan nila ang Area77 at BTK muli para makakuha ng pwesto sa final showdown kontra TheOhioBrothers.  

Sa unang dalawang laro ng serye, tinambakan sila ng TheOhioBrothers sa mga kill score na 22-3 at 18-6. 

Ngunit isang ‘di inaasahang pangyayari ang naganap sa pangatlong game matapos maghatid ng nakakagulat na draft ang Avalon. Pinili nila si Wanwan at jungle Guinevere, na hindi kinaugaliang pinipili sa kasalukuyang meta. Ang TOB naman, ay pumili ng lineup na ma tanky heroes tulad nina Martis, Franco, at Arlott.

Naging halos tabla ang unang 10 minuto ng match, at hindi klaro kung sino ang nangunguna.  

Nagsimulang malipat ang momentum sa late game noong nakuha ng Martis ni Carlos “bestplayer1” Vega mula sa TOB ang Enhanced Lord sa 13-minute mark para mapunta sa match point.  

Sinelyo ng TheOhioBrothers ang grand final series na may 21-5 kill score sa loob lamang ng 10 minuto. Si ZIA ang naging standout player ng match, matapos makakuha ng perpektong 10/0/7 KDA gamit si Bruno. 

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa MLBB. 

BASAHIN: Bumili na ng tickets para sa ONE Esports MPLI 2023