In-update ngayong Oktubre 26, 9 a.m. (GMT+8): Dinagdag ang iba pang mga kwalipikadong koponan.

Nandito na ang Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2023 (MPLI 2023), at mas malaki at mas exciting na ito.

Ngayong taon, 16 na koponan mula sa walong rehiyon ang maglalaban-laban para sa US$100,000 prize pool at ang prestihiyosong titulo na pinakamalakas na Mobile Legends team sa mundo.

Mas kapana-panabik ang MPLI ngayong taon dahil sa pagsali ng North America at MENA region sa kauna-unahang beses.

Nangibabaw ang ONIC Esports ng Indonesia sa nakaraang dalawang MPLI tournaments, matapos makuha ang konsekyutibong championships.



Qualified teams para sa MPLI 2023 

MPLI 2023
QUALIFIYING TOURNAMENT KOPONAN 
MPL ID Season 12RRQ 
Geek Fam 
Rebellion Zion 
Dewa United Esports 
Bigetron Alpha
EVOS Legends
MPL PH Season 12ECHO
AP Bren
Blacklist International
RSG PH
MPL MY Season 12HomeBois
MPL SG Season 6Team Flash
MPL KH Autumn 2023 See You Soon
MPL MENA Fall 2023 Triple Esports
NACT Fall 2023 TheOhioBrothers
ChinaNova Esports

Gaganapin ang torneo sa November 15 hanggang 19, 2023. Offline ito sa Jakarta, Indonesia.

Maaari kayong bumili ng tickets para sa playoffs at grand final dito.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Mobile Legends

BASAHIN: Bumili na ng tickets para sa ONE Esports MPLI 2023