Mayroong bagong challenger sa Land of Dawn.

Magkakaroon ng pwesto ang China sa paparating na ONE Esports Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2023 (MPLI 2023).

Ito ang magiging kauna-unahang beses na lalahok ang bansa sa isang Mobile Legends tournament, maatapos ang approval ng licensing ng laro sa bansa ngayong taon.



China handa nang mag-debut sa MPLI ngayong taon 

MLBB ONE Esports MPLI 2023
Credit: Moonton

Ibubunyag ngayong buwan kung anong Chinese team ang magiging representante ng rehiyon.  

Isinapinal ng bagong anunsyo ang roster ng walong lalahok na rehiyon sa paparating na torneo.  

Kasama ang mga established regions tulad ng Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Singapore, at Cambodia, makikita ngayong taon ang pagsali ng emerging regions tulad ng MENA at North America.

MLBB MPLI 2023 group stage bracket
Credit: ONE Esports

Naka-schedule sa November 15 hanggang 19, gaganapin ang kompetisyon sa GBK Basketball Hall sa Jakarta, Indonesia, at maghahatid ng tumataginting na US$100,000 prize pool. 

Magiging available ang tickets sa loob ng dalawang phase para sa playoffs at grand final at maaring mabili sa Kiostix.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa MPLI.  

BASAHIN: Lahat ng qualified teams sa MPLI 2023