Para ipagdiriwang ang anibersaryo ng Mobile Legends: Bang Bang, magbibigay ang Moonton Games ng free skin: ang Starblazer Johnson.

Ibinunyag ng Moonton ang ika-pitong anibersaryong exclusive skin. Ito ang ika-pitong skin ng sikat na tank hero matapos ang Fire Chief, S.A.B.E.R. Automata, Jeepney Racer, Wreck King, Death Ride, at Optimus Prime.

Sa skin na ito, sumailalim ang robotic armor ni Johnson sa malaking pagbabago, para maging mas katakot-takot siya sa digmaan.

Mula sa kaniyang character model patungo sa mga nakakasilaw na skill effects, ang bawat aspeto ay muling nabago, para maangat ang kaniyang itsura at performance sa isang lebel na parang isang Epic skin.


Mobile Legends 7th anniversary skin Starblazer Johnson character model at skills preview

MLBB Starblazer Johnson skin
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Ang bagong outfit ni Johnson ay mukhang isang Transformer na may nakakasilaw na ginto at puting armor na tila’y mukhang isang maharlika.

Sa loob ng Starblazer Johnson skin armor, may maliwanag na teal energy fusion, at ang kaniyang axe at shield ay nakatanggap din ng upgrades. Ang blade ng kaniyang axe ay kumikinang na, at mas malaki rin ang kaniyang shield.

Lahat ng abilities ni Starblazer Johnson ay mayroon nang maliwanag na purple na kulay. Ang kaniyang ultimate na Full Throttle ay ang bida ng mga upgrades, dahil siya ay mag-iibang anyo at nagiging isang armored car na may purple nitro sa fender.



MLBB 7th anniversary rewards
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Para makuha ang libreng skin na ito, kailangan mong kolektahin ang mga anniversary coins sa loob ng October 9 hanggang 22, at ipagpalit ito para sa skin sa To the Stars event.

Madali mong makukuha ang mga coins na ito sa pamamagitan ng pag-kumpleto ng mga tasks tulad ng pakikipaglaro kasama ang mga friends, pag-share ng event page sa iyong social media profiles, o paglahok sa iba pang anniversary-related na activities.

Maliban sa skin, maari ka ring makakuha ng iba pang rewards tulad ng ekslusibong kill notification at isang hero selection chest.



Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa MLBB. 

BASAHIN: Patumbahin si Granger sa MLBB gamit ang 3 best hero counters