Ang Elemental Lord, o mas kilala bilang Lord, ay isang major objective sa Mobile Legends: Bang Bang.

Ang next-level boss na ito ay may hawak na cudgel, at gumagamit ng iba’t-ibang abilities kaya mas malakas pa ito sa Turtle.

Naghahatid ng isang matinding tira ang kaniyang basic attack sa kalaban sa bawat segundo, at nagdudulot ng area-of-effect True Damage ang kaniyang Thunder Strike ability. Mayroon din siyang skill para patumbahin ang iilang heroes habang nasa ere habang nagdudulot ng True Damage gamit ang kaniyang Ocean Force ability.

Lalabas ang objective sa unang walong minuto, at ito ay lalabas nang random sa isa sa dalawang mga hukay sa river area ng mapa. Makikita ang spawn location at countdown ng Lord sa minimap, para makagawa kayo ng stratehiya para sa susunod niyong galaw.


Iba’t-ibang uri ng Lords sa Mobile Legends at bakit importante itong patumbahin

Ang pagtalo sa Lord ay magbibigay sa’yo at sa team mo ng gold at experience, para mas mapalakas ang tsyansa niyong manalo sa laro.

Ngunit pagkatapos niyong mapatumba ang Lord, ito ay mag-re-respawn sa inyong base para makipaglaban kasama niyo.

MLBB Elemental Lord x Sanctuary Lord
Credit: ONE Esports

At ‘di tulad ng Turtle, ito ay magiging mas malakas na bersyon sa iba’t-ibang stage ng laro, para makapagdulot ng mas matinding damage at defensive stats.

Ang pag-secure nito sa unang walong minuto ay makakatulong saiyong taem na makapag-push sa outer enemy turrets ng kalaban, para magkaroon kayo ng mas malakas na map control.

Sa 12 minuto, magiging Enhanced Lord ang Elemental Lord. Kaya niyang sumugod sa malapit na enemy turret at magdulot ng True Damage sa isang tira. Mapapataas nito ang tsyansa niyong mapatumba ang inner enemy turret at makapasok sa enemy base.

Mag-iibang anyo ito ulit sa 18 minutes, magiging Evolved Lord na ito, na may mas malakas na defensive at offensive stats. Ito ang pinaka-importanteng objective sa late game, kaya ang pag-secure nito para saiyong team ay krusyal para manalo.

IBA PANG MLBB GUIDES
Patumbahin si Granger sa MLBB gamit ang 3 best hero counters
Paano itago ang match history sa MLBB
3 dahilan kung bakit sulit ang Dominance Ice sa lahat ng tank
Painitin si X.Borg gamit ang 3 best items na ‘to
Ano ang Smart Targeting at paano ito gamitin

Paano ma-secure ang Lord na parang pro

1. Maghanda bago sumugod

Ang laban para ma-secure ang Lord ay halos palaging malapitang paglalaban. Kung gusto mong mapatumba ito, ang paghahanda ang number one priority mo.

MLBB SIBOL vs MY
Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Kung ikaw ay isang EXP laner o roamer ng team, siguraduhin na mayroon kang crowd control abilities para mapigilan mo ang pagsugod ng enemy jungler.

Kung ikaw ay gold laner o midlaner ng team, siguradhing naka-farm ka na ng sapat na offensive items at handa ka na mag-trigger ng damage abilities kung sakaling may paglalaban na mangyayari.

Kung ikaw naman ang jungler ng team, kritikal na mayroon kang Retribution battle spell para ma-secure ang Lord. Mainam din kung napatumba mo na ang Purple at Orange buff bago magumpisa sa objective-take para mayroon kang mas matinding damage at mana o energy.

MLBB Retribution Ice Flame Bloody
Credit: ONE Esports

Magkakaroon ng mga sitwasyon na hindi pa handa ang team mo sa major objective na ito. Isang bagay na pwede mong gawin, lalo na kung ikaw ay isang jungler, ay mag-reset ng health ng creep sa pamamagitan ng pagkuha ng kaniyang aggro at pag-lure sa kaniya sa labas ng circular line.

Maari mo itong gawin nang paulit-ulit hanggang sa matapos na ang cooldown ng mga heroes mo at handa na kayong mag-contest.

2. Krusyal ang positioning

Ang resulta ng isang Lord-take ay kadalasang nakasalalay kung aling team ang mayroong mas nakakalamang na positioning, kaya naman, paano nga ba ito gawin?

Isang madaliang paraan para gawin ito ay dapat kayo ang unang makalapit sa Lord pit bago ito mag-spawn. Minsan, ito lang ang kailangan mong gawin para manalo sa laban.

Ang pagkuha sa nakakalamang na position ay nagsisigurado na magkakaroon ng vision ang team mo sa mapa at magiging handa na makipaglaban sa kalaban mula sa lahat ng anggulo. Para sa mga roamers at EXP laners, mainam na magtago muna sila sa mga halaman sa top side ng pit o sa middle bush, o kung saan sila hindi aasahan.

MLBB M4 RRQ Hoshi vs Skylar Lord
Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Para naman sa mga midlaners at goldlaners, mag-posisyon kung saan makakatulong sila magdulot ng damage sa Lord habang ginagamit ang vision na binibigay ng inyong roamer. Dapat mag-posisyon sa inyong gilid ng mapa, para hindi ka ma-pick off.

Para sa mga junglers naman, kailangan nila pumosisyon sa harap ng objective at I-maintain ang creep aggro. Kailangan din nilang malaman kung nasaan manggagaling ang enemy jungler.

Kung ikaw ang kontrang team, importante na mayroong magandang formation ang iyong team habang nakikipag-engage. Halimbawa, maari mong gayahin ang lokasyon ng kalaban sa pagumpisa ng contest.

Ang mga heroes na may crowd control abilities ay dapat mag-disarm sa enemy jungler, lalo na kung low ang HP ng Lord para mabigyan ang inyong jungler ng oportunidad manakaw ang Retribution.

3. Alamin kung paano gawin ang ‘Lord Dance’

Ang ‘Lord Dance’ ay isang advanced tactic kung saan aakitin mo ang mga kalaban na patayin ang Lord, habang naghihintay ang team mo sa halaman para mag-ambush.

Kapag nakapag-commit na ang enemy team sa pagpatay sa nagiisang hero o sa pag-secure ng objective, sila ay susugurin ng team, para magulat sila at ma-secure ang Lord at ang team fight.

MLBB PH vs MY Lord Dance
Screenshot ni Calvin Trilles/ ONE Esports

Para gawin ito, ang mga teammates mo, maliban sa jungler, ay dapat pumosisyon sa mga halaman na malapit sa pit. Kung ikaw ang jungler, atakehin ang creep, ngunit ‘wag mag-commit sa pagpatay nito. Hatakin ito papalayo sa kaniyang starting position at dalhin sa lugar kung nasaan ang iyong team.

Kung susubukan makipaglaban ng enemy team, dapat handa na ang iyong team na palabasin ang kanilang mga skills sa lahat ng target. Kung matagumpay, makukuha niyo ang objective nang walang kumokontra.

Kung kayo naman ang kontrang team, mag-pokus sa pag-hatak ng creep aggro sa halip ng pag-pokus sa kalabang jungler. Siguraduhing magkaroon ng mahabang pasensya para hindi mawala sa posisyon at mapatay.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang gabay tungkol sa MLBB.

BASAHIN: Gawing bulldozer si jungle Baxia gamit ang 3 best items na ‘to sa MLBB