Dalawa sa malalaking teams ng ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League PH Season 7, Aura PH at Bren Esports, ang nag-anunsyo ng tryouts at nagbukas ng pinto para sa sino mang karapat-dapat at handang maglaro para sa kanilang organisasyon.
Aura PH at Bren Esports nag-anunsyo ng open tryouts
Inilabas ang anunsyo sa pagtatapos ng MPL PH Season 7. Sa kabila ng pagtatapos ng dalawang teams sa top spots ng regular season, pareho silang hindi nakaabot ng grand final matapos silang talunin ng Execration sa lower bracket.

Wala naming sinabing requirements ang dalawang organisasyon, at ginawa talaga nilang bukas para sa lahat ang tryouts.

Sinabi ng Bren Esports coach na si Francis “Duckeyyy” Glindro sa ONE Esports na umaasa silang makatanggap ng libo-libong aplikante.
“I’m only asking one thing from all aspirants: to go all out in the blind groupings,” sabi nya.
Noong nakaraan, isinulat ni Duckeyyy sa kanyang Facebook page na nakatanggap na sila ng mahigit 50,000 aplikante, kasama ang mga kilalang pangalan sa pro-MLBB scene.
Kung interesado kayong mag-apply, pwede kayong magpasa ng application form sa official Facebook pages ng Aura PH at Bren Esports.